Tuesday, March 21, 2017

Photographic Lovers

By: Lord Iris

..............

"Black and white are the colors of photography. To me they symbolize the alternatives of hope and despair to which mankind is forever subjected".

-Robert Frank

..............

Sabi nila meron daw taong nakatadhana para sa ating lahat at gagawa ng paraan ang kapalaran para makita mo ang taong mahal mo. Kung ganun nasaan na siya? Nasaan na ang taong mamahalin ako? Antagal naman niyang dumating sa buhay ko!

We live in a society that is obsessed with beauty, buti na lang nabiyayaan ako ng sapat na kagwapuhan. Ako si Fin Castaniega... maputi, 5'9 ang height ko, singkit ang mga mata ko at sabi nila may hawig daw ako sa korean actor na si Lee jong suk pero hindi ko naman kilala yung tao na yun at pareho daw kaming baby face. Closeted gay ako at kahit kelan hindi ko binalak sabihin sa pamilya ko ang tunay kong kasarian kasi hindi naman maipagkakaila na lalaking-lalake talaga akong kumilos, yun nga lang lalake din ang nagugustuhan ko pero yung crossdress? Ayoko nun, ayokong magsuot ng damit na pambabae kasi feeling ko nakakababa ng pagkatao kapag nagsuot ng ganun and I absolutely hate those girly stuffs. Nagkakagusto lang talaga ako sa lalake but I never fell in love with anyone...

22 years old na ako, nagtatrabaho ako sa isang kompanya at maganda naman ang sweldo kasi mataas ang position ko dito sa Makati. Natutulungan ko na din ang pamilya ko sa mga gastusin kaya maayos ang buhay ko ngayon...

Day-off ko ngayon at bumaba na ako sa dining area para mag-almusal. Nakita ko naman kaagad ang napakabait kong nanay na si Rose... Oo tama kayo hahah. Rose lang ang tawag ko sa kanya kasi ayaw niyang tinatawag siyang mama kasi parang dumadami daw ang wrinkles niya at napaka-kalog nitong nanay ko tapos parang mag-tropa lang kami...

"Rose!!! Good morning! Anong almusal natin?". Nakangiti kong tanong sa kanya. Ganyan talaga kami tuwing umaga pero mabait talaga ang mama ko.

"Longganisa anak... at meron akong nilulutong itlog at sinangag". Nakangiting sabi ni Rose habang nagluluto ng itlog.

The best talaga ang nanay kong si Rosita Castaniega at gusto niyang Rose lang ang tawag sa kanya kasi naalala niya daw ang yumao kong tatay kapag tinatawag namin siya sa pangalang Rose.

Natapos ng magluto si Rose at sabay na kaming kumain kasama ang mga maliliit kong kapatid at ang ate ko na mas matanda sa akin ng isang taon. Siya si ate Roxan... halos magkamukha kami at parang siya ang babaeng version ko.

"Oh? Fin mukhang nakabihis ka... saan naman ang lakad mo?". Nagtatakang tanong ni ate Roxan.

"Wala naman... may lakad lang kami ni Lissa mamaya kasi day-off ko". Sagot ko sa kanya.

"Ayyiiee... may date sila ni Kuya!". Nakangiting asar ng isang kapatid ko.

"Hoy! May birthday party din yung pinsan niya kaya sinama ako, hindi kami magdi-date!". Naiinis kong sabi sa kapatid ko.

Paano ba naman kasi... hindi naman talaga kami magiging magsyota ng bestfriend kong si Lissa kasi nga wala akong interest sa kanya at hindi naman yun alam ng mga kapatid ko.

Nang matapos kaming mag-almusal ay nagpaalam na akong aalis kasi mukhang late na ako sa usapan namin ng bestfriend ko...

"Kuya! Yung baon ko?". Nakangiting sabi ng kapatid kong bunso.

Tinaas ko ang isa kong kilay at...

"Anong baon? Linggo ngayon". Seryoso kong sabi sa kanya.

"Kuya sige na please... love na love na love na love naman kita". Sabi ng kapatid ko at lumilingkis siya sa braso ko na parang linta.

"Oh siya! Sige na nga!". Sabi ko sabay bunot ng wallet ko sa bag.

Binigyan ko ng pera ang kapatid ko at bigla akong pinaghahalikan sa pisngi at sobrang lakas talaga ng topak ng pamilya ko at mabuti na lang hindi ako nagmana sa mga ketek nila...

"Rose! Ate Roxan! Alis na ako...". Sabi ko sa kanila habang naglalakad palabas ng pinto.

"Sige Fin ingat ka!". Sabay nilang sabi.

Pumunta na ako sa napag-usapan naming mall ni Lissa at mukhang wala pa siya kasi di naman nag-text. Pumunta naman ako sa mcdo at bumili ako ng paborito kong fries at pagkatapos naghanap muna ako ng mauupuan... maraming tao at may nakita akong bakanteng upuan kaso may naka-upong lalake doon sa harap nun at naiilang naman ako...

Naglakad ako palapit sa kanya at naramdaman ko na lang na parang madulas ang ang sahig kasi kakalinis lang at dahan-dahan akong naglakad pero may natapakan akong plastic na cup kaya nadulas ako...

Muntik na akong matumba at buti na lang nahawakan ko ang matigas na tuhod nung lalakeng naka-upo...

Napatingin na lang ako sa kanya habang nakatitig din siya sa akin... napansin ko na ampogi niya at mukhang hindi pa ako gumagalaw...

"So...so..rry". Naautal kong sabi sa kanya.

"Ok lang... mukha namang nag-eenjoy ka sa pagkakahawak sa alaga ko...". Sabi niya at nginuso niya ang ibabang parte ng katawan niya.

Tumingin ako at putek!!! Hindi pala tuhod ang nahawakan ko kundi yung part ng tite niya tapos parang matigas na matigas yun...

Nagmadali ako sa pagkaka-ayos ng sarili ko at naglakad na lang ako palayo sa sobrang kahihiyan... umupo ako sa ibang upuan kasi may umalis nang tao pero napapansin ko na habang kumakain ako ng fries ay patingin-tingin sakin yung lalake...

Napansin ko na parang may nag-flash na camera kaya hinanap ko kung saan yun pero wala naman...

Nag-iinit yung mukha ko at iniiwasan ko siya ng tingin pero nakikita ko siya sa giliran ng mata ko... kumakain siya ng sundae at tumitingin talaga siya sa akin kaya naiilang na ako...

Parang kasing pula na ng kamatis ang mukha ko dahil sa naalala ko ang nangyari dahil nahawakan ko ang pagkalalaki niya at first time ko kasing makakapa ng ganun... putek!!! Bakit kasi ang tigas nun? Aaarrgghh!!!

Sinubukan kong tingnan siya at dahan-dahan kong inikot ang ulo ko para makita siya tapos...

Nakatingin talaga siya sa akin... at bigla na akong umiwas ng tingin sa kanya tapos napansin kong tawa siya ng tawa doon sa table niya. Nakakainis! Nakakahiya! Bakit ba kasi nangyayari sa akin yun?

Nang maubos ko ang fries ay lumabas na ako ng mcdo kasi hindi ko na talaga kaya ang kahihiyan ko doon sa lalake... Pumunta ako sa may fountain at nakita ko ang bestfriend ko na nakaupo doon sa gilid ng fountain...

Ang bestfriend kong si Lissa ay sexy, maputi at maganda. Yung pwede mo siyang i-level sa pagiging dyosa pero yung bunganga niya... para siyang pinaglihi ng nanay niya sa pwet ng manok sa sobrang ingay...

"Bestie!!! Antagal mo naman!!!". Napakaingay niyang sigaw sa akin.

"Kumain pa ako ng fries sa mcdo". Sabi ko naman sa kanya.

"Samahan mo ako na maghanap ng regalo doon sa pinsan ko". Sabi niya sa akin sabay hatak paakyat sa 2nd floor ng mall.

Pumunta kami sa kung saan-saang botique dahil hindi daw siya makapag-hanap ng regalo para doon sa pinsan niya...

"Ano ba kasing gustong regalo ng pinsan mo na yan ha?". Tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay.

"Basta! Kailangan nating maghanap kasi 18th birthday niya mamaya". Sabi niya habang naghahalungkat ng mga damit sa botique.

"May naisip na akong regalo...". Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ano namang ireregalo mo?". Nagtataka niyang tanong sa akin.

Pumunta ako sa section ng mga pabango at habang inaamoy ko yun isa-isa ay kinuha ko ang pinaka-nagustuhan kong amoy...

"Bestie!!! May regalo na ako!!!". Malakas na sabi ni Lissa sa likod ko.

Muntik ko ng mabitwan ang hawak kong pabango dahil nagulat ko sa boses ng bestfriend ko...

"Ano ba! Nakakagulat ka!". Naiinis kong sabi sa kanya.

"Hahaha... bayaran na nga lang natin ito at mukhang may regla ka na naman". Natatawa niyang sabi at nakita ko na may hawak siyang dress.

Pumunta kami sa cashier at pinalagay na lang namin yun sa paper bag tapos nilagyan namin ng ribbon para magmukha namang sosyal...

Pagbunot ko ng wallet ko ay binuksan ko para humugot ng pera kaso nalalag ang nakaipit na picture doon kaya kinuha ko sa sahig... kaso biglang hinablot ni Lissa yung picture...

"Gosh!!! Sinech itech??? Ang cute naman ng mga batang nitis". Sabi niya na parang nababaliw.

"Ano ba? Para kang bakla magsalita". Sabi ko kaya Lissa.

"Huh? Sino kaya ang bak...". Sabi niya at bigla kong tinakpan ang bibig niya para maputol siya sa pagsasalita.

Si Lissa lang kasi ang nakakaalam ng totoong sexual preference ko kaya hindi na niya yun pwedeng ipagkalat...

"Ang ingay talaga ng bunganga mo!". Naiinis kong sabi sa kanya habang tinatanggal ang kamay ko sa bibig niya.

"Sorry na hahah... sino nga itong mga cute na nasa picture?". Tanong niya habang tinititigan yung picture.

Parang kinilig ako bigla sa tanong niya...

"Ako yung nasa kaliwa... tapos si Jayjay yung nasa kanan". Nahihiya kong sabi sa kanya.

"Alalalala!!! Shocks friend!!! Namumula ka bigla!". Maingay niyang sabi sa akin.

"Yung bunganga mo ang ingay!". Seryoso kong sabi.

"Friend... crush mo ba ito?". Nakangiti niyang tanong sa akin.

Tumango na lang ako sa kanya bilang pagsagot ng oo kasi nahihiya ako...

"Hahahha kinikilig si bakla!!!". Mahina niyang sabi sabay tusok sa giliran ko.

Lumabas kami ng botique at naglakad lakad doon sa mall at hindi pa rin binabalik sa akin ni Lissa yung picture namin ng Jayjay...

"Parang may kamukha si Jayjay mo". Sabi ni Lissa habang sinisipat ang larawan namin ni Jayjay.

"At sino naman ang  kamukha niya?". Tanong ko sabay taas ng kilay.

"Ewan... kwento ka naman kung bakit ka nagka-crush kay Jayjay". Nakangiti niyang sabi sa akin.

Umupo kami sa isang bench at iku-kwento ko sa kanya ang lahat lahat...

"Bestfriend ko si Jayjay nung grade3 kami at crush ko siya pero lumipat siya ng school kaya hindi ko na alam kung nasaan si Jayjay". Nalulungkot kong sabi kay Lissa.

"Aaww... sad naman! Siguro ang hot na ng Jayjay mo ngayon!". Nakangiting sabi sa akin ni Lisa.

"Syempre naman... Nasaan kaya siya?". Nalukungkot kong tanong.

"Malay mo destiny kayo ni Jayjay... wag kang mag-alala mahahanap mo din ang taong para sayo". Nakangiting sabi sa akin ni Lissa.

Kinuha ko na lang sa kanya ang picture namin ni Jayjay at nilagay ko na lang yun ulit sa wallet ko...

Palibhasa kasi may mga nanliligaw... kaya ganun na lang ang saya niya kasi maraming lalaki ang nagkakandarapa sa kanya at akala nga niya dati may gusto rin ako sa kanya...

"Wala ka ba talagang balak mag-girlfriend ha Fin? Lalake ka kasi talagang kumilos". Seryoso niyang tanong sa akin.

"Wala nga... at isa pa ayoko makipag-relasyon sa kung sino lang". Seryoso kong sabi sa kanya.

"Malay mo maging lalake ka kapag nakipag-sex ka sa babae". Natatawa niyang sabi sa akin.

"Ay nako! Baka mamaya tapyasin ko pa ang dede niya at ilagay ko sa akin". Natatawa kong sagot sa kanya.

Nagtawanan na lang kaming dalawa at pumunta na kami sa venue kung saan magbi-birthday ang pinsan niya. Maganda sa venue at may pool... halatang may kaya talaga ang pamilya nitong si Lissa kasi puro semi-formal ang mga suot nila...

Pinakilala ako ni Lissa sa mga kamag-anak niya at puro magaganda at mga nag-gagwapuhang mga nilalang ang mga pinsan niya kaya nabubusog ang mga mata ko dito hahah...

"Bestie!!! may gustong makipag-kilala sa iyo ngayon". Sabi ni Lissa na nasa likod ko.

Lumingon ako sa kanya at may nakita akong poging lalake na hatak-hatak ni Lissa kaya napangiti ako...

"Family friend namin siya at siya ang photographer ng event na ito". Nakangiting sabi ni Lissa sa akin.

Tinitigan kong mabuti yung lalake at parang namumukhaan ko siya...

Ay puta!!! Siya yung lalake doon kanina sa mcdo!!! Hala!!! Ano ng gagawin ko ngayon? Nakalimutan ko na nga yung nangyari kanina tapos ngayon may throwback pa!

"I'm Peejay...". Nakangiti niyang sabi sa akin habang inaabot ang kamay niya para makipag-shake hands.

Namumula na yata ako at nahihirapan akong wag maalala yung nangyari kanina...

Inabot ko na rin yung kamay ko sa kanya para makipag-shake hands at...

"I'm Fin". Sabi ko at umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Aayyiieee!!! Love na itu!!!". Biglang sigaw ni Lissa kaya napatingin sa kanya ang ibang mga bisita.

Bigla akong kumalas sa shake hands naming dalawa kasi nahihiya ako at baka malaman pa ni Lissa yung nangyari kanina...

"Sige... iwan ko muna kayong dalawa ni Peejay". Nakangiting sabi ni Lissa sa amin na parang nakakaloko.

Umalis na si Lissa at tinabihan naman ako ni Peejay doon sa table kaya lalo akong naiilang sa kanya at nakangiti lang siya sa akin...

"Hhmmm... wag mo naman akong iwasan ng tingin". Sabi ni Peejay at ang lamig ng boses niya.

"Aahhh... kasi... ano...". Naiilang kong sabi sa kanya.

"Wag mo ng isipin yung kanina... let's be friends". Sabi niya at parang anlambing niya magsalita.

Tumingin ako sa kanya at nakangiti lang siya sa akin... naiilang ako at parang namumula na lang ako bigla kasi nag-iinit ang mukha ko...

"Ka..ka..limu.tan... na na..tin yun". Nauutal kong sabi sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at parang nagpipigil siya ng tawa kaya medyo naiinis ako sa kanya...

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?". Naiinis kong tanong sa kanya.

"Sorry... you're so cute". Nakangiti niyang sabi sa akin at tumigil na siya sa pagpipigil ng tawa niya.

Tinitigan ko siya ng masama kasi naiinis ako sa kanya kahit sabihin pa natin na pogi talaga siya... ang ganda ng mga mata niya, maputi siya tapos manipis ang mga labi niya na pinkish at ang ganda ng jawline niya...

"Pwede ba kitang picturan?". Seryoso niyang sabi sa akin.

"Picture? Sige... bahala ka". Nagtataka kong sagot sa kanya.

Kinuha niya ang camera niya at...

"Say cheese!". Nakangiti niyang sabi at sunod-sunod ang flash ng camera niya sa akin.

Nang matapos siyang picturan ako ay tinanong ko siya...

"Bakit andami mo naman yatang kinuhang shots?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin at...

"Kasi dapat tini-treasure mo ang lahat ng moments". Sabi niya sa akin at bigla niyang hinarap sa aming dalawa ang camera niya.

"Picture tayo!!!". Nakangiti niyang sabi at sunod-sunod ulit yung flash.

Pagkatapos ng party ay hiningi ni Peejay yung number ko at hindi pa ako nakauwi sa bahay ay panay na ang text niya sa akin...

Naging mabuti kaming magkaibigan sa text at minsan lumalabas din kaming dalawa kapag day-off ko. Nanunuod kami ng sine, minsan pumupunta kami sa amusement park at minsan naman dinadala niya ako sa kung saan niya trip pero masaya ako kapag kasama ko siya... masaya ako at parang kumpleto ang pakiramdam ko kapag nandiyan siya sa tabi ko tapos parang may nagliliparang butterflies sa tiyan ko...

Tuwing magkasama kaming dalawa ay lagi niyang dala-dala yung camera niya tapos lagi niya akong pini-picturan, minsan naman kasama ko siya sa picture...

Naka-upo kami ngayon sa mcdo habang kumakain ng fries at ng sundae. Ang masaya pa dun ay hindi na ako naiilang kapag naalala ko yung nahawakan ko yung pagkalalake niya nung una kaming nagkita... nagtatawanan na lang kaming pareho kapag naalala namin yun...

"Fin? May girlfriend ka na ba?". Seryoso niyang tanong sa akin.

Halos mabilaukan ako ng itanong niya yun at pina-inum niya naman ako kaagad ng coke kaya lumuwag din sa wakas ang dibdib ko...

"Dahan-dahan lang kasi sa pagsubo". Sabi niya habang hinihimas yung likod ko.

"Wala akong girlfriend since birth". Seryoso kong sabi sa kanya.

"Ikaw? Siguradong may girlfriend ka". Pahabol kong sabi sa kanya.

"Wala akong girlfriend... pero may nagugustuhan na ako ngayon". Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Sino naman yun? Kilala ko ba?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Oo at sobrang close mo siya...". Seryoso niyang sabi sa akin.

Parang nalungkot ako bigla kasi may nagugustuhan pala siya at mukhang alam ko na kung sino yung sinasabi niya sa akin...

"Si Lissa ba yung gusto mo?". Seryoso kong tanong sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin at alam kong oo yung sagot niya... parang bumigat ang pakiramdam ko at parang nawalan na ako ng gana kumain kaya napahinto ako...

Tumitingin lang sa akin si Peejay habang nagbabago ang timpla ng ugali ko at hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko...

"Hindi si Lissa ang gusto ko...". Seryoso niyang sabi sa akin.

Napatitig na lang ako sa kanya at parang seryoso talaga siya sa sinabi niya sa akin...

"Eh sino? Si Lissa lang naman ang close ko tapos yung ate ko at si Rose". Naguguluhan kong sabi sa kanya.

"Hindi ka pa ba nakaka-halata?". Naiinis niyang sabi sa akin.

"Diretsyuhin mo na kasi kung sino ba yung gusto mo!". Galit kong sabi sa kanya kasi naiinis na talaga ako at hindi ko alam kung bakit.

"Hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan ka lang!". Galit niya ding sabi sa akin kaya naiinis ako lalo.

Tatayo na sana ako para umalis ng bigla niyang hatakin ang kamay ko tapos bigla niya akong hinalikan ng mariin sa labi kaya nabigla ako dahil nasa mcdo kami...

Tumitibok ng mabilis ang puso ko...

Hindi ko siya binalak na itulak kasi parang gusto ko yun at para bang huminto lahat ng nasa paligid ko... wala na akong pakialam sa mga nakatingin sa aming dalawa...

Kumalas na ang mga labi niya sa pagkakahalik at tumitig siya sa aking mga mata kaya kitang-kita ko ang sinseridad niya...

"Ikaw yung taong mahal ko". Seryoso niyang sabi sa akin at parang lalo pang nag-iinit ang mukha ko ng dahil sa sinabi niya.

"Ta..laga?". Nauutal kong tanong.

Tumango lang siya sa akin at ngumiti tapos itinapat niya ang kamay ko doon sa dibdib niya...

"Ikaw ang tinitibok niyan...". Seryoso niyang sabi sa akin kaya parang umaapaw sa tuwa ang nararamdaman ko ngayon.

Umupo na kaming dalawa at tumingin ako sa paligid...

Yung ibang tao parang diring-diri nung nakatingin sa aming dalawa ni Peejay pero yung iba naman nakangiti lang sa amin...

"Mahal mo din ba ako Fin?". Seryosong tanong sa akin ni Peejay.

Aba! Napaka-tanga ko naman kung hindi ako sasagot ng totoo sa kanya at isa pa ngayon lang may nagkagusto sa aking lalake kahit na puro babae ang lumalapit sa akin...

"Oo... mahal din kita". Sagot ko at ngumiti ako sa kanya.

"Picture!!!". Sigaw niya sabay taas ng camera kaya ngumiti ako.

Nag-picture na naman kaming dalawa at ang lakas talaga ng trip nitong si Peejay kasi tuwing magkasama kami ay laging may picture...

"Dapat pinicturan ko din yung paghawak mo sa tite ko eh". Natatawa niyang sabi sa akin.

"Sira ka talaga! Treasure ba yun?". Natatawa kong tanong sa kanya.

"Oo naman! At napaka-halaga ng araw na ito kasi... ito ang araw na nakita ko ang destiny ko". Masaya niyang sabi sa akin.

Napaka-pogi talaga ni Peejay at hindi ako makapaniwalang may magka-kagusto pala sa aking lalake...

"I love you Peejay...". Seryoso kong sabi sa kanya.

"I love you more Fin!". Sigaw niya kaya napatitig na naman sa amin yung ibang mga costumer.

Ang lakas talaga ng ketek nitong taong ito at hindi marunong mahiya kahit nasa public place kami...

"Fin... ipakilala mo na ako sa pamilya mo tapos pakasal na tayo tapos bubuntisin na kita". Sabi niya sa akin na parang bata.

"Baliw ka talaga... sige ipapakilala kita kaso kinakabahan ako". Natatawa kong sabi sa kanya na may halong kaba.

"Wag kang kabahan! Mabait ka namang anak at hindi mo dapat ikatakot ang love natin". Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Eh kelan kita ipapakilala?". Seryoso kong tanong sa kanya.

"Ngayon na! Papatagalin pa ba?". Sabi niya na ikinabigla ko.

Wala talagang takot itong lalakeng to at ang laki ng tiwala niya sa sarili niya kaya parang nabawasan ang kabang nararamdaman ko...

Pumunta kami sa bahay... kinakabahan ako pero syempre hindi ako dapat magtago sa pamilya ko... naging mabuti akong anak at kapatid kaya sana matanggap nila ako...

Pumasok kami sa bahay at...

"Peejay... siya si Rose ang mama ko, si Ate Roxan at yung kapatid kong bunso". Seryoso kong pagpapakilala sa kanila.

"Rose, ate, baby... siya si Peejay". Seryoso kong sabi sa kanila.

"Nice to meet you po...". Nakangiting sabi ni Peejay pero parang seryoso ang pamilya ko.

Parang galit sila kasi mga naka-crossed arms sila tapos ang sama pa ng tingin sa amin ni Peejay kaya parang kinakabahan ako... dati naman masayahin sila at malakas ang tama sa utak kaya kinakabahan ako...

"Ikaw ba yung boyfriend nitong si Fin?". Seryosong sabi ni mama na ikinabigla ko.

Alam na nila na may boyfriend?

"Opo! At mahal na mahal ko po itong si Fin". Nakangiting sabi ni Peejay at hinawakan niya ang kamay ko.

"Oh talaga! Edi WOW!!!". Sigaw ni Ate Roxan at nagtawanan sila bigla.

Kanina lang seryoso sila tapos ngayon nagtatawanan... malakas talaga ang ketek ng pamilya ko haiisst!!!

"Alam na namin yan kanina pa...". Natatawang sabi ni Rose.

"Huh? Paano niyo naman po nalaman?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Sinabi ko! Hahaha". Tumingin ako sa taas at nakita ko si Lissa na pababa ng hagdanan.

"At paano mo naman nalaman?". Seryoso kong tanong sa kanya.

"Siyempre nag-text sa akin si Peejay". Sabi niya at tumingin ako kay Peejay tapos kinindatan niya ako.

Napakamot na lang ako sa ulo ko...

"Kinabahan ka ba anak?". Tanong ni Rose at nagtawanan na naman sila tapos nakitawa din si Peejay.

"Mga baliw talaga kayo...". Natatawa kong sabi sa kanila.

"Pero ikaw ha! Talbog mo ang beauty namin ni Lissa. Ang pogi nitong Peejay mo". Natatawang sabi sa akin ni Ate Roxan.

"Tanggap niyo po ba ako?". Seryoso kong sabi sa kanila.

"Oo naman kuya! Matagal na...". Natatawang sabi ng bunso kong kapatid kaya nagtaka ako.

"Anong matagal na ka diyan?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Alam namin na crush mo yung nasa picture doon sa wallet mo". Natatawang sabi sa akin ni Rose.

"Fin? Sino yung sinasabi nilang crush mo doon sa picture?". Tanong sa akin ni Peejay.

Kinuha ko ang picture at pinakita ko iyon sa kanya... parang nanlaki ang mga mata niya nung nakita niya ang picture namin ni Jayjay...

"Ikaw ba itong nasa kaliwa?". Naiiyak niyang tanong sa akin.

"Oo bakit?". Seryoso kong tanong.

Humigpit ang hawak niya sa picture at kitang-kita ko ang pagtulo ng mga luha niya...

Naiiyak si Peejay?

Hindi kaya siya si Jayjay?

Tumingin ako sa picture at nanlaki ang mga mata ko nung makita ko na malaki ang pagkakahawig nilang dalawa ni Jayjay sa picture...

"Oh my gosh!!! Wag mo sabihing ikaw ang Jayjay ni Fin". Biglang sabi ni Lissa at napatakip na lang ang kamay niya sa bibig niya.

"No... hindi ako yan". Umiiyak na sagot ni Peejay kay Lissa.

"Peejay... ok ka lang ba?". Nag-aalala kong tanong sa kanya at nakatitig lang siya doon sa picture.

"Iho... kamukha mo talaga yung bata diyan sa picture eh". Sabi ni Rose.

"Siya po si Jayjay... kapatid ko po siya at hindi ko akalaing ikaw pala ang matagal ng hinahanap ni Jayjay". Umiiyak na sabi sa akin ni Peejay.

"Hinahanap ako ni Jayjay?". Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Oo... at mahal na mahal ka ng kapatid ko". Malungkot niyang sagot sa akin at pinunasan na niya ang mga luha niya.

"Diba? May gusto ka din sa kanya?". Seryoso niyang tanong sa akin.

Tumango na lang ako bilang pagsagot sa kanya ng oo...

"Pero lumipat ako ng school... ganun din siya kaya wala na akong balita sa kanya ngayon". Seryoso kong sabi kay Peejay at parang nalungkot siya.

"Sino bang mahal mo sa amin?". Naiiyak na tanong ni Peejay.

"Siyempre ikaw! Mahal na mahal kita Peejay at ikaw na ang may karapatan sa akin ngayon". Seryoso kong sabi sa kanya at parang napangiti siya.

"Gusto mo bang makita si Jayjay?". Seryoso niyang tanong sa akin.

Tumango na lang ako sa kanya at...

Bigla niyang hinatak ang kamay ko at parang aalis kami...

"Sorry po... may pupuntahan lang po kami ni Fin". Pagpapa-alam niya sa pamilya ko.

Hinatak niya ako at isinakay niya ako bigla sa kotse niya...

"Saan tayo pupunta?". Nagtataka kong tanong kay Peejay.

"Pupuntahan natin si Jayjay". Seryoso niyang sabi habang nagda-drive.

Tahimik lang siya at medyo malayo ang pinuntahan naming dalawa...

Napansin ko na parang sa sementeryo ang ruta namin kaya kinakabahan ako dahil sabi niya dadalhin niya daw ako kay Jayjay...

Bumaba kami at naglakad... pagkatapos ay huminto kami sa isang puntod at nakita ko ang pangalan ni Jayjay sa lapida...

Parang nabigla ako at napatakip na lang ako sa mukha ko...

"Lumipat siya ng school kasi... nagpagamot siya, may leukemia kasi siya at binawian siya ng buhay". Sabi ni Peejay.

Napatingin ako sa kanya at kitang-kita ko ang pagpatak ng mga luha niya...

"Matagal ka na niyang hinahanap hanggang sa lagutan siya ng hininga kaya dinala kita dito".

"Jajay... sorry kasi di tayo nagkita". Sabi ko sa harap ng puntod ni Jayjay.

Napuno kami ng mga luha ni Peejay sa harap ng puntod at pagkatapos nun dinala niya ako sa mga magulang niya at pina-kilala niya ako. Tanggap nila ang relasyon namin at naiyak din sila nung nalaman nilang ako pala ang matagal ng hinahanap ni Jayjay...

Simula noon ay naging masaya na kaming dalawa ni Peejay...

Lagi niya akong dinadalhan ng kung ano-ano sa trabaho ko tapos sobrang sweet niya sa akin... lalo tuloy akong nahuhulog kay Peejay kahit na kami ng dalawa...

Kaso bigla na lang nanlamig ang pakikitungo sa akin ni Peejay at parang lagi siyang mauly problema...

Hanggang sa isang araw hindi na nagpaparamdam sa akin si Peejay... tinanong ko sa mama niya kung may babae ba si Peejay pero wala naman daw ibang dinadala si Peejay sa bahay nila maliban sa akin...

Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Peejay kasi hindi na rin siya umuuwi sa kanila... gabi-gabi akong nag-aalala sa kanya at balisa na ako sa trabaho ko. Napapansin na rin ng pamilya ko na lagi akong matamlay araw-araw kasi hinahanap ko talaga si Peejay...

Nasaan ka na ba mahal ko?

Gabi-gabi akong umiiyak kasi natatakot ako na baka hiwalayan ako ni Peejay at sabihin niyang ayaw na niya sa akin...

Hinanap ko siya sa kung saan saan pero wala talagang bakas ng Peejay ang makikita ko...

Hanggang sa napadaan ako sa may mcdo kung saan kami unang nagkakilala at natanaw ko na may naka-upo doon sa pwesto namin...

Hindi ako pwedeng magkamali! Si Peejay yung lalakeng yun... tumakbo ako palapit sa kanya at bigla akong umupo doon sa harapan niya... nanlaki ang mga mata ni Peejay at napansin kong pumayat siya. Tatayo na dapat siya nung nakita niya ako...

"Wag kang aalis! Magkakamatayan tayong dalawa!". Pagbabanta ko sa kanya at umupo na lang siya ulit sa upuan.

"Bakit?". Yun na lang ang naitanong ko at tumulo na lang bigla ang mga luha ko sa harapan niya.

"Maghiwalay na tayo...". Mahina niyang sabi na parang pauli-ulit na narinig ng tenga ko.

Parang may nagbuhos sa akin ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya at nakaramdam ako ng sibat na tumagos sa dibdib ko...

Ano daw?

Nakikipag-hiwalay na siya sa akin ngayon?

Pero bakit?

"Anong dahilan mo?". Tanong ko at parang lumalakas na ang buhos ng mga luha ko.

Hindi siya sumagot sa akin at nakita ko din na tumutulo ang mga luha niya kaya mas lalo akong naguguluhan...

"Pinagpalit mo na ba ako?". Humahagulgol kong tanong sa kanya at wala na akong pakialam sa ibang nakatingin sa amin.

Umiling-iling lang siya sa akin habang umiiyak at...

"Parang awa mo na... iwanan mo na ako para hindi ka masaktan". Umiiyak niyang sabi na nag-pagulo lalo sa pag-iisip ko.

"Nasasaktan ako sa ginagawa mo ngayon! Sabihin mo ang lahat!!!". Galit kong sigaw sa kanya.

"Mamamatay na ako... may leukemia din ako Fin". Humahagulgol niyang sabi sa akin.

Para akong tinakasan ng kaluluwa ko ng marinig ko ang mga katagang iyon... sobrang sakit pero paano ko ito tatanggapin?

"Wala akong pakialam... gusto ko na palagi lang akong nasa tabi mo". Humahagulgol kong sabi sa kanya.

Lumapit ako sa kanya at umupo ako sa tabi niya... niyakap ko siya ng mahigpit dahil miss na miss ko na talaga ang Peejay ko pero paano namin haharapin ito ngayon?

"Lalaban ka Peejay... lalaban tayo". Humahagulgol kong sabi sa kanya habang hinihigpitan ko ang mga yakap ko.

Nalaman ko na sa ospital pala siya pumupunta kaya ayaw niyang magpakita sa amin... tinawagan ko agad ang pamilya niya dahil gusto ko na maging masaya at pagaanin ang hirap na dindala ni Peejay...

Hindi na ako umuuwi sa bahay...

Lagi lang akong nasa tabi ni Peejay habang nakaratay ang katawan niya sa higaan... Araw-araw ay pinag-babalat ko siya ng mga prutas dahil yun lang ang dapat niyang kainin...

Bumagsak na ang katawan niya at sobrang payat na niya. Nalalagas na din ang mga buhok ng minamahal kong si Peejay...

Araw-araw kong pinipigilan ang mga luha ko dahil ayokong makita ni Peejay na nahihirapan ako sa lagay niya dahil gusto ko siyang lumaban...

Ano ng gagawin ko ngayon?

Araw-araw ay parang may mga bubog na tumutusok sa puso ko habang nakikita ko siyang na nag-undergo ng chemotherapy at alam kong hirap na hirap na ang Peejay ko...

Pakiramdam ko ay durog na durog ang pagkatao ko sa tuwing nakikita ko ang lagay ni Peejay pero nagagawa niya pa ding ngumiti sa harapan ko kaya mas lalo akong humahanga sa kanya dahil alam kong mas matatag siya sa akin...

"I love you Fin...". Pilit na sabi ni Peejay sa akin at pinilit niya ding ngumiti sa akin.

"I love you more Peejay...". Naiiyak pero pinipigilan ko ang mga luha ko habang sinasabi yun.

"Wag kang malungkot... dapat maging masaya ka dahil nahulog ako sa ngiti mo sa akin". Nahihirapan niyang sabi habang nakangiti.

"Mahal na mahal kita...". Mahina kong sabi sa kanya habang pinipigilan ko pa din ang pagbuhos ng mga luha ko.

Ngumiti ako ng pilit sa harapan niya at nakita ko na parang nagliwanag ang mukha niya... alam ko na sobrang hirap ng lagay niya ngayon...

"Tanggapin mo ito... hindi na ako magtatagal mahal ko...". Halos pabulong niyang sabi na dumurog ng sobra sa puso ko.

"Hindi! Lalaban ka pa! Kaya pa naman natin to diba?". Tanong ko sa kanya at hindi ko napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko.

Nilagay niya ang isang photo paper sa kamay ko at wala pang naka-imprenta doon na larawan kaya nagtataka ako sa kanya...

"Salamat... dahil sa iyo naging masaya ako at wala akong pinagsisisihan". Nakangiti niyang sabi.

Unti-unti ng pumikit ang mga mata ni Peejay kaya para akong tinakasan ng katinuan ko sa nangyari...

"Peejay!!! Peejay!!! Wag!!!". Sigaw ko habang nakayakap sa kanya.

.............

Lagi lang akong nakatulala hanggang sa ilibing si Peejay sa tabi ng puntod ni Jayjay at hanggang ngayon ay nahihirapan akong bisitahin siya dahil nahihirapan pa din ako na tanggapin ang pagkawala ni Peejay...

Hawak ko ang binigay niya sa aking photo paper at may nakasulat doon na address kaya sinikap kong puntahan ang lugar na iyon...

Napuntahan ko ang address at isa pala iyong condo kung saan nakatira dati ang Peejay ko... binigay sa akin ng mama ni Peejay ang susi ng condo kaya nakapasok na ako sa loob...

Pagbukas ko ng pinto ay napansin ko na parang dito ginagawa ni Peejay ang lahat ng picture na kinuha niya...

Nakikita ko ang maraming picture frame sa bawat pader at ang bawat isa ay punong-puno ng masasayang ala-ala naming dalawa ni Peejay... hindi ko na mapigilan ang pagluha habang tinitignan ko iyon isa-isa...

Nandun din yung picture ko na kumakain ng fries sa mcdo at siya pala ang kumuha ng picture sa akin noon kaya parang napansin ko na parang may nag-flash...

Simula ng magkakilala kaming dalawa... nung naging kami at lahat ng mga picture namin na masayang magkasama ay nakikita ko isa-isa. Bawat memories namin ay nakikita ko kaya lalo akong nangungulila kay Peejay ko...

Hanggang sa makarating ako sa dulo ng condo at merong malaking picture frame doon na walang nakalagay na picture sa loob kaya nagtataka ako habang umiiyak... merong nakalagay na sulat doon kaya kinuha ko...

"Mahal na mahal kita Fin at gusto ko na maging masaya ka palagi. Alam ko na wala na ako kapag binasa mo ito pero wag kang malungkot kasi ayokong nakikita na nahihirapan ka. Tuparin mo yung pangarap natin na magpakasal. Alam ko na hindi na natin yun magagawa at yung larawan sana natin na iyon ang ilalagay ko diyan sa malaking picture frame pero hindi na natuloy kaya gusto ko na tuparin mo ang pangarap nating dalawa at gusto ko na maging masaya ka habang nilalagay ang larawan niyo ng taong magpapasaya sa iyo diyan sa malaking picture frame. Gusto ko na palagi kang nakangiti at wag mo sanang kalimutan na mahal na mahal ka naming dalawa ni Jayjay...".

Napatulo na lang ang luha ko habang binabasa iyon at natauhan na lang ako bigla...

Napaka-swerte ko dahil may dalawang tao na nagmahal sa akin ng totoo... masyado lang exited ang tadhana kaya kinuha sila agad pero hindi ako dapat maging malungkot, dapat maging masaya ako dahil kasama na nila ang Diyos at alam kong balang araw ay magkikita rin kami ng mahal kong si Peejay pero tutuparin ko ang pangarap namin...

It Hurts But Thanks

By: Lord Iris

"Love is the most beautiful thing to have, the hardest thing to earn and the most painful thing to loose".

Every love stories has the happiest part in your life. It gives you hope and courage to live but then... it could make you feel the great sea of despair and a taste of hell...

What makes you feel like hell is your expectation that it should feel like heaven. It is right to be happy when you are deeply fall in love but you must be blind if you're not ready to feel the tragedy of it...

.................

I thought that my life starts when I was born but I was wrong. Everyone's life starts if he/she is starting to know themselves...

I was in grade one when I felt that I'm trapped. My soul was trapped inside the body of a boy. This made me realize that life would not be easy for me and love would be forbidden to me...

I wish that I was like them, I wish that I can move in this world without any hesitations. Every breath I take has the taste of fear... the fear of being judge and the fear of being hurt...

I don't have the courage to live but when you realize how lonely it is to be by your own... you will be kind but being kind is not enough or should I say that there is no such thing to make them accept you. You are only tolerated but you're not totally accepted...

I'm demure, discreet and weak but there is a light inside me. I'm scared of many things but I realized that my greatest fear is the fear of loosing you.

...................

It was afternoon when I first saw you... the sky was clear and the sunlight turns everything something magical. Your dark brown hair falls into your beautiful brown eyes, your lips are pinkish and your skin is pale. I never felt this way before but I like the way how I felt that day...

Our first interaction was the day when I was bullied by different students. You protect me from them. It is the first time that I felt I'm secured. Your not just handsome outside but your heart is also filled with kindness. You are my hero, my guardian angel and the only person who showed me kindness...

We became the best buddies. You are always here for me, you care for me and your the only one who accepted me for what I am. You are like my big brother...

Many years ago... our friendship still the same but my feelings for you bloom like a lily of the nile. I cherish you but I can't loose you so I concealed what I feel for you...

I'm the one who is making the love letters for the girls you like but every word inside it are the words that I wish I could tell you. I endure the pain looking at you happy with them because I know that I can't endure the pain if you leave me...

You experienced many relashionships but I was not because you already captivate my heart. You always cry in my arms because of the girls who broke your heart and you keep wishing that I would be a girl too...

I can't take this any longer. I just wanted to see you happy but how should I do that? I'm just your bestfriend... I want you to feel how much I care for you. Just look in my eyes and you will see...

I remember the day I first said that I love you... your reaction was priceless but we are the same. Your eyes was filled with tears... I thought your tears symbolizes your disappointment to me but I was wrong. You replied to me and you said the most precious words I've ever heard

"I love you, since the day we first met"

That day is the happiest part of my life. You give me stength, courage and hope to live. Your family accepted me like I was also their child. We cherish every moment being with each other...

It was our first anniversary when you sing to me your favorite song... the fall for you by secondhand serenade. You also gave me the boquet of white roses which simbolizes purity and innocence. You love me like how much I love you. You said that we are meant for each other...

Our relationship was filled with picture perfect memories. You never lie to me, you never cheat over me, you always have time for me and you love me...

You always protect me from every person that could hurt me. We love each other, we never fight each other and I never felt even a bit of anger when I'm with you... your the kindest person I've ever met...

Our 5 years relationship was the taste of heaven but five years was still short... we promise that we are always here for each other...

Till death do us part...

But our relationship ends...

It was your Mom's birthday so we ride a bus to visit them. I never forget that day... we are holding our hands tightly then the accident happens...

..................

When I woke up I thought it was just a dream. I'm inside the hospital. There is no one inside my room. My back hurts so much and my right arm was covered in white bandage but it was real... I feel my heart beating so fast.

I'm so scared... even my body hurts, I forced myself to stand. I just wanted to see you my love. I remove the apparatus in my mouth. I walk outside the room to find you. I just want to see you safe and sound...

I saw your family crying inside a morgue... my heart starts aching. I came inside and I saw your cold body covered with blood...

I run to wake you up. I hurt myself just to make sure it was not a bad dream but I failed... I burst so much tears. I don't care if you are already dead. I hug you tightly and kiss you for the last time...

After that everything blackout. Your mom said that I collapsed. I don't feel my body hurts anymore I just feel the pain in my heart. I feel that it was breaking like a glass into small pieces. I never plan to come on your funeral. I don't want to see you dead. I wish that I can endure this pain but I know that I can't. I wish that your alive and I'm the one whose dead... or maybe we both died that day...

Once again everything blackout. You appeared in my dream. I know it was just a dream. I wish that I died too because I just wanted to be with you...

I will never forget what you said...

"You know what? I really love you so much. Did you forget that? I don't want to see you crying. I want to make you smile but you need to understand everything. Everything happens for a reason. If you really love me, you will keep on living and you will fulfill your dreams."

"But my dream is to be with you".

"That is why you need to find new happiness in this world, I will always be by your side, I will always guide you and I will never stop protecting you...."

Then he kissed me on my lips but after that he was completely vanished...

I came to visit his burial...


















"In the name of the Father....."



















I feel that there is a burning in my chest. I don't want to see your dead body again, I'm looking at the flowers that symbolizes your death, I was so depressed and I saw your name that was written on a ribbon...


















"And of the Son......"



















It feels strange... I want to be with you. I remembered all those moments we cherish together and our dreams that we build together. It was all nothing now... I can't do all of it without you...


















"And of the Holy Spirit".


















I started to cry harder... I can't conceal all this burning tears. It is so hard to accept the fact that you're already gone. You are my life...


















"Amen"





















After I put a flower on your coffin I don't know what to think. You are the only person who comforts me...











...................

A year later I came to visit you...







I'm always wearing all these white outfit because this color simbolizes our love to each other. I put this white roses in front of your grave...

Your presence still lingers here. I know that you are looking at me right now wherever you are...

I wanted to tell you the pain of loosing you because I know that you can hear me. I know that you will always be my guardian angel but after all this pain... I just wanted to thank you for all those times that you are with me before. Every moment I feel complete and I feel so much joy when I'm sleeping on your chest... thank you so much. You are the only one that I love. It's just... the fate is so exited to take you away from me. Even you are already dead... you still give me hope and courage to live. Thank you for the love...

Sunday, March 12, 2017

Paper Hearts

By: Lord Iris

................

"Like a master of origami who can take a simple square of paper and turn it into an intricate network of folded angles to create a dragon, I can take a minuscule problem in my life and turn it into a massive complication."

-Virginia M. Sanders

.................

Sa mundong ginagalawan nating mga tao ay nanatili akong matatag kahit na hindi pa ako ganun katanda...

Sanay ako na mag-isa dahil nasa Canada ang family ko kaya ako lang ang tao sa bahay...

Ako nga pala si Kaizer Ramirez at Kai ang nickname ko. Masasabi ko na may hitsura naman ako, matangkad, moreno at hindi sa pagyayabang pero matalino talaga akong tao. Ako palagi ang nangunguna sa klase o sa school at ako din ang school president...

Skeptical akong tao o yung hindi madaling maniwala at makumbinsi. I'm cold and straight pero merong tao na nag-pabago ng pananaw ko sa buhay at pag-ibig. Hayaan niyong i-share ko sa inyo ang mga alala ko bago ang graduation ng junior high ko...

...........

Isang umaga... unang araw ko sa school ngayong junior high at napansin ko na meron na namang transferee at kung kelan grade 10 tsaka siya nag-transfer. Hindi masyadong napapansin ang mga transferee lalo na sa section namin.
Pagpasok ko sa room ay binati ako kaagad ng kaibigan ko na si Levy...

"Hi Kai! Musta na ang bakasyon mo?" Nakangiting sabi sa akin ng babaeng nasa harapan ko.

"Ok lang."  Seryoso kong sabi.

"Halika! Tabi na tayo sa upuan." Pag-aya sa akin ni Levy kaya umupo na ako sa tabi niya.

Kilala ako sa pagiging seryoso at cold personality ko pero masasabi ko naman na hinahangaan ako ng mga guro dahil responsable naman ako...

"Kai... may transferee ngayon." Sabi sa akin ni Levy.

"Oo... napansin ko kanina." Sagot ko.

"Pogi siya..." Kinikilig na sabi ni Levy.

Tumingin ako at nakita ko yung lalakeng sinasabi niya, pogi naman pala talaga...

"Sana walang mam-bully sa kanya." Malungkot na sabi ni Levy.

"Sisiguraduhin ko yan." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Yes! That's the spirit!" Nakangiting sabi sa akin ni Levy.

Si Levy kasi ang isa sa mga kaibigan ko at nabiktima siya ng bullying dati bago kami magkakilala. Takot sa akin ang mga bully sa school dahil ako ang president at marunong sila rumespeto pero kailangan ko na naman tumakbo para ngayong taon...

Nagpakilala na isa-isa ang mga nakaka-umay na mukha ng mga kaklase ko... hanggang sa magpakilala na ang bago kong kaklase...

"Hi... I'm Nigel Fernandez. Transferee lang ako pero maasahan naman ako sa group works kaya sana maging close ko kayo." Sabi nung transferee.

Pogi siya... maputi, matangkad pero nakasalamin at tingin ko nerd siya. Nerd din naman ako pero wala yun sa hitsura ko. Nasa pilot section ako at bihira lang talaga maglagay ng bagong student sa pilot section pero siya ang nakapasok ngayon...

Nung recess namin ay naglibot muna ako at sumama muna si Levy sa mga kaklase namin pero ako kasi gusto ko palaging nag-iisa. Naglakad ako at napansin ko na parang may bullying na naman na nagaganap ngayon...

Parang may student na hinaharas sa isang room kaya pinuntahan ko...

"Bago ka lang dito... ibigay mo yung baon mo sa amin!" Galit na sabi nung lalake.

"Pero... pera lang ang meron ako." Mahinang sabi nung isa.

"Wala akong pake! Ibigay mo na!" Galit na sabi nung lalake.

Sumilip ako sa room at nakita ko na naman si Jonas pati yung mga kaibigan niya na merong biktima at hindi na ako nabigla ng makita ko na yung transferee namin ang biktima nung taong ito...

Sila Jonas ay ang mga kilalang mahilig mambully at nasa lower section sila. Last year pina-suspend ko sila ng dalawang linggo kaya alam nila ang kaya kong gawin...

Nakita ko si Nigel na kumukuha ng pera sa wallet niya at akma niya itong ibibigay kay Jonas na kwinelyuhan siya ngayon kaya nagsalita na ako...

"Tanga ka ba? Bakit mo ibibigay?" Sabi ko at halatang nabigla silang lahat.

Tumingin sa akin si Jonas pati ang tropa niya at halatang takot sila. Tinganggal niya din ang paghawak niya sa kwelyo ni Nigel...

"Kai... wag kang makialam dahil hindi pa ikaw ang presidente dito at hindi ka namin iboboto!" Pagbabanta sa akin ni Jonas.

"Pakialam ko? Hinihingi ko ba ang boto niyo?" Seryoso kong tanong.

Hindi na siya nagsalita at nakatitig lang sa akin si Jonas. Hindi ko alam kung anong kaligayahan ang nakukuha nila sa pagiging bully. Actually bully din ako pero dati yun...

"Umalis na kayo... wag niyo na uling gagalawin yan dahil kaklase ko siya." Seryoso kong sabi sa kanila.

Umalis na ng room si Jonas pati ang tropa niya at halatang may galit sila sa akin pero subukan nilang lumaban at humada sila sa akin...

Lumapit ako kay Nigel at inayos ko ang kwelyo ng uniform niya tapos napansin ko na parang nag-blush siya dahil sa ginawa ko...

"Thank you..." Mahina niyang sabi.

"Wala yun... basta kapag ginalaw ka nila ulit ay sabihin mo sa akin." Seryoso kong sabi sa kanya at tumango lang siya na parang nahihiya.

"Ako nga pala si Nigel..." Nahihiya niyang sabi.

"Alam ko... and I'm Kaizer, just call me Kai for short." Sabi ko at nakipag-shake hands ako sa kanya.

Narinig namin ang bell at tapos na ang recess kaya dapat na kaming bumalik sa room...

"Kai... balik na tayo sa room." Sabi sa akin ni Nigel at parang nahihiya na naman siya.

Naglakad na kami sa hallway at bumalik sa room. Naka-upo lang siya sa isang tabi at napansin ko na walang kumaka-usap sa kanya dahil hindi siya pinapansin ng mga kaklase ko kaya parang gusto ko siyang maging kaibigan dahil mukha naman siyang mabait...

"Class... meron tayong investigative documentary and you have to pass it next month." Sabi ni maam at parang dismayado ang mga kaklase ko.

Mahirap kasi yun... kailangan namin mag-interview at mag-defend kaya sigurado akong hindi yung ipapagawa ng isahan lang...

"Don't worry class... kayo na ang bahalang pumili ng group niyo. Five lang ang maximum na members at pwedeng mag-solo. Bahala na kayong mag-meeting ngayong time ko." Sabi ni maam at naghiyawan na ang nga kaklase ko.

"Kai! Group tayo!" Nakangiting sabi sa akin ni Levy.

"No! Kai is for our group!" Sabi naman ni Carl na matalino din.

"Shut up! He is mine!" Sabi naman ni JC kaya nagtawanan sila.

Sanay akong pag-agawan lalo na sa group works pero feeling ko yun lang ang habol nila sa akin...

"Thanks guys... pero mag-sosolo ako." Seryoso kong sabi.

Para silang binuhusan ng malamig na tubig at mga naka-nganga lang sila... lumapit sa akin si Levy at umubo pa siya kunwari...

"Kai... close naman tayo eh, baka naman pwede." Nakangiti niyang sabi.

"No Levy... I have to be fair." Sagot ko at lumabas ako ng room.

Pumunta lang ako sa restroom at bumalik din kaagad. Pagpasok ko at kanya-kanya silang mga ingay dahil sa pinapagawa ni maam at napansin ko na nag-iisa lang si Nigel...

Walang siyang katabi... napansin ko rin na malungkot siya. Umupo ako sa tabi niya at parang nabigla siya...

"Hi... may problema ka ba?" Sabi ko sa kanya.

"Hhmm... ano kasi..." Alanganin niyang sabi sa akin.

"Walang pumapansin sayo?" Seryoso kong tanong sa kanya.

Tumango lang siya sa akin at nakita ko na malungkot ang mga mata niya kahit nakasalamin siya...

"Ganyan talaga sa simula pero mabait naman ang mga classmate natin." Seryoso kong sabi sa kanya.

Kumuha siya ng papel at parang abala siya sa pagtutupi nito...

"May ka-group ka na ba?" Tanong ko.

"Ayaw naman nila sa akin..." Mahina niyang sabi at kitang-kita ko na parang nahihirapan siya.

Naku! Ang selfish talaga ng mga kaklase ko! Inaya nila ako dahil alam nila na matalino ako tapos si Nigel hindi nila napapansin dahil bago...

"Edi ako na lang ang partner mo." Seryoso kong sabi sa kanya.

Ngumiti siya bigla at parang sobrang saya niya nung marinig niya ang sinabi ko...

"Ta..talaga? Ok lang sayo?" Hindi maka-paniwalang tanong ni Nigel.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Thank you Kai..." Nakangiting sabi sa akin ni Nigel.

Napansin ko na pogi talaga siya lalo na nung ngumiti siya at mukhang mabait talaga siya...

"Simula ngayon dito na ako uupo sa tabi mo." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Thank you Kai... ikaw lang ang nag-approach sa akin ngayon." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Nagtutupi siya ng papel na kulay dilaw at ang bilis ng kamay niya. Kumuha siya ng marker at nagdrawing siya ng mata kaya nagmukha yung happy face na emoticon tapos inaabot niya sa akin...

"Para sa akin ba iyan?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Oo... thank you gift ko kasi ikaw ang una kong kaibigan dito." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Kinuha ko iyon at napangiti ako dahil ang cute ng origami na happy face ang binigay niya sa akin...

"Hhhmmm... mas pogi ka kapag nakangiti." Sabi niya at parang nahihiya na naman siya.

Ngumiti na lang ako sa kanya at...

"Magaling ka pala sa origami." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Tumango lang siya sa akin at parang namumula na naman siya... nagtataka ako sa kanya, normal ba na mag-blush ang isang tao? Hindi kasi ako namumula at palaging akong seryoso...

Nag-usap lang kami ni Nigel at nasisigurado ko na mabait talaga siya. Mas gusto ko pa siyang kasama kesa sa iba kong mga kaklase...

Hanggang sa nag-submit kami kay maam kung sino ang mga ka-group kaya sinabi ko na partner kaming dalawa ni Nigel at parang nainis sila Levy sa akin...

"Akala ko ba... I have to be fair?" Inis na sabi ni Levy habang naka-taas ang kilay niya.

"Oo nga... walang nag-approach sa kanya kahit isa kaya ako na lang ang partner niya." Seryoso kong sagot.

Ang sama ng titig ng mga kaklase ko kay Nigel dahil sa naging sagot ko at parang kinabahan si Nigel kaya naisip kong kausapin siya...

"Wag kang mag-alala ok lang yan." Sabi ko kay Nigel.

Tumango lang siya sa akin at ngumiti...

Lumipas ang mga buwan at naging close kami ni Nigel. Naiinis din sila Levy kasi kay Nigel na ako sumasama at pati group works ay si Nigel lang ang kasama ko. Ako din ang nanalo na presidente. Matalino din pala si Nigel at masipag mag-aral...

Magkatabi kami ni Nigel at lagi siyang nagtutupi ng papel at binibigay niya yun sa akin... masaya ako kapag kasama ko siya. Lumapit si Levy sa amin at parang galit siya kasama ang iba kong mga kaklase...

"Hhhmmm Kai... bumalik ka na sa dati mong upuan." Seryosong sabi sa akin ni Levy.

"Ayoko... walang kasama si Nigel." Seryoso kong sagot sa kanya.

"Yan! Lumalayo ka na sa amin dahil sa lalakeng yan!" Sabat naman ni JC na naka-crossed arms pa.

Tumingin ako kay Nigel at umiwas siya ng tingin sa akin. Parang nalulungkot na naman siya...

"Bumalik ka na sa amin... wala ka namang mapapala sa transferee na iyan." Sabi naman ni Carl na parang galit din.

Tumayo na ako sa harapan nila at naiinis ako sa mga pinagsasabi ng mga taong ito... napaka-immature!

"First of all... hindi ako lumalayo, sumasama lang ako kay Nigel dahil hindi niyo siya pinapansin. Mabait siya at ang selfish niyo para angkinin ako." Seryoso kong sabi sa kanila at parang natigilan sila.

Parang nagalit si Levy at humarap siya kay Nigel...

"Kasalanan mo to! Inagaw mo sa amin si Kai at wala kang kwenta!" Galit na sabi ni Levy habang dinuduro si Nigel.

"Levy shut up! Ganyan ba talaga ang ugali mo?" Galit kong tanong.

"No! Totoo naman eh... simula ng lumipat yan dito ay hindi ka na sumasama sa amin!" Sabi ni Levy habang tinutulak sa balikat si Nigel.

"Napaka-immature mo! Sana pala hindi na kita kina-ibigan kung ganyan pala ang ugali mo!" Galit kong sabi kay Levy at parang maluha-luha siya.

Tumingin ako kay Nigel at parang nahihirapan siyang huminga dahil  nakahawak siya sa dibdib niya...

"Nigel are you alright?..." Nag-aalala kong tanong sa kanya.

Biglang hinimatay si Nigel kaya medyo nataranta ako...

"Tulungan niyo ako! Dalhin natin siya sa clinic!" Sigaw ko at tinulungan naman ako ng mga kaklase ko.

Dinala namin si Nigel sa clinic at tinawagan ang mga magulang niya. Nandito kami ng mga kaklase ko sa clinic at wala pa ding malay si Nigel...

"Look what you've done!" Galit kong sabi sa kanila.

"I'm sorry Kai... na-miss ka lang kasi namin kaya nagselos kami sa kanya." Naiiyak na sabi ni Levy sa akin.

"Sorry Kai..." Sabay na sabi ng iba ko pang mga kaklase.

"You know what? Kay Nigel kayo dapat humingi ng sorry." Naiinis kong sabi sa kanila.

"We know... and sorry ulit." Nalulungkot na sabi ni JC.

"Bakit kasi hindi niyo hayaan na sumama sa inyo si Nigel at ng sa ganun ay bumalik ako sa inyo." Seryoso kong sabi sa kanila.

Parang nagliwanag ang mga mukha nila sa sinabi ko...

"Trust me... mabait si Nigel." Sabi ko sa kanila at ngumiti naman sila.

Pumunta ang parents ni Nigel at nalaman namin na bawal pala sa kanya ang ma-stress kasi mahina ang puso niya. Nag-sorry naman sila kay Nigel at simula nun ay naging close na din nila si Nigel...

Hindi ako nagkamali... hindi kasi nila binuksan kaagad ang mga mata nila kaya hindi kaagad nila nakita ang nakita ko kay Nigel. Naging close naman kaming lahat at naging masaya pero masasabi ko na si Nigel talaga ang bestfriend ko...

Pumunta kami ni Nigel ngayon sa library dahil magbabasa ako ng book at siya naman ay nagtutupi lang ng makukulay na mga papel...

Kumuha ako ng libro at naglabas si Nigel ng milkita. Naku! Favorite ko pa naman ang lollipop na yun kahit sabihin pa nila na mukha akong bata ay wala akong pake...

"May milkita ka pa?" Nakangiti na tanong ko kay Nigel.

"Wala na eh... last na to." Sabi niya habang binubuksan ang lollipop.

Pagkabukas niya ng lollipop at bigla kong nilapit ang mukha ko sa kanya at sinubo ko yung lollipop niya hahah... halatang nagulat siya...

"Hala! Favorite ko yan!" Sabi niya na parang bata sa akin.

"Akin na ngayon kasi favorite ko din ito eh..." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Ang salbahe mo!" Naiinis niyang sabi pero mukha pa din siyang mabait.

"Kung salbahe ako edi sana hindi ikaw ang bestfriend ko." Natatawa kong sagot sa kanya at natahimik naman siya.

Parang nalungkot siya at nagtupi na lang siya ulit ng papel. Ayokong malungkot siya pero may naisip akong kalokohan...

"Gusto mo ba talaga ng lollipop?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

Hindi ako pinansin ni Nigel at naka-pout pa ang lips niya...  mukha siyang nagtatampo pero para siyang cute na bata hahah...

"Sorry na Nigel..." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ok lang yun...". Mahina niyang sagot.

"Diba favorite mo din to?" Tanong ko at inilabas ko ang lollipop sa bibig ko.

"Oo... tapos inagaw mo pa." Sabi niya na parang bata.

"Edi share tayo..." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Parang naguluhan ang mukha niya at tumitig siya sa akin...

"Paanong share? Isa lang yan eh." Sabi niya sa akin.

Dinilaan ko ang lollipop at at bigla kong isinubo yun sa bibig niya haha...

Halatang nagulat siya at parang nagalit bigla si Nigel sa ginawa ko at sumama yung tingin niya...

"Yuck! Kadiri ka Kai!!!" Naiinis niyang sabi at binunot niya ang lollipop sa bibig niya.

"Sabi mo gusto mo..." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Ewan ko sayo! Bastos ka!" Galit niyang sabi at namumula siya.

Kinuha ko ang kamay niya at isinubo ko ulit sa bibig ko yung hawak niyang lollipop at parang lalong namula ang mukha ni Nigel sa ginawa ko...

"Oh ayan! Fair na tayo." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Ok lang sayo na magpalitan tayo ng laway?" Nagtataka niyang tanong.

"Oo... malinis ka naman eh at bestfriend naman kita. Gusto mo halikan pa tayo." Seryoso kong sabi sa kanya at parang lalo siyang namula sa sinabi ko.

Itong si Nigel kala mo na-divirginize kung umarte eh pareho naman kaming lalake...

"Tirahin kita diyan eh..." Mahina kong sabi at lalong sumama ang titig niya sa akin.

"Bastos ka talaga! Ayoko na sayo!" Galit niyang sabi.

"Quiet!!!" Sigaw ng librarian.

Natawa na lang ako pero parang naiinis na talaga sa akin si Nigel kaya dapat na akong umayos...

"Ito naman! Minsan nga lang ako ganito at nilalambing ko lang naman ang bestfriend ko eh." Nakangiti kong sabi sa kanya at nilapit ko ang upuan ko kaya makadikit na kami.

"Naiinis ako sayo..." Mahina niyang sabi habang naka-pout ang lips at nagtutupi lang siya ng papel.

"Sorry na... di na ako uulit." Seryoso kong sabi sa kanya.

Parang wala siyang narinig at nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya kaya naiinis ako...

"Pansinin mo na ako..." Sabi ko pero di siya umimik.

"Pag di mo ako pinansin... hahalikan talaga kita!" Seryoso kong sabi sa kanya at parang nanlaki ang mga mata niya.

"Ano ba kasing trip mo?" Galit niyang tanong sa akin.

"Sorry na nga..." Seryoso kong sabi.

Nagtupi lang siya ulit at alam kong nainis na talaga siya sa ginawa ko at alam ko naman na mali ako...

Lumapit pa ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit kaya nagulat siya sa ginawa ko...

"Sorry... gagawin ko lahat ng gusto mo para wag kang mainis sa akin." Malambing kong sabi sa kanya.

Parang namula siya at tinulak niya ako para matanggal ang pagka-kayakap ko sa kanya pero hinigpitan ko kaya hindi siya nagtagumpay...

"Ano ba kasing gusto mo?" Bulong ko sa tenga niya at parang namula siya.

"Wag mo akong yakapin... nasa library tayo eh." Nahihiya niyang sabi.

Kumalas na ako at baka lalo lang siyang mainis dahil sa ginawa ko. Namumula na siya at parang hiyang-hiya na siya sa sarili niya...

"Wag mo na akong kulitin..." Sabi niya at nagtupi siya ulit ng papel.

Binigay niya sa akin ang nakatuping papel na hugis mukha ng demonyo na emoticon at may nakasulat na mga katagang "I hate you!"

Pagkatapos ng klase ay bumili ako ng isang balot ng milkita sa grocery at maraming makukulay na papel para peace offering ko kay Nigel...

Hindi siya nag-reply sa mga text ko kaya alam kong inis pa din siya...

Kinabukasan ay ibinigay ko kaagad sa kanya ang isang balot na milkita at ang mga construction paper...

"Sorry na Nigel... peace offering ko." Sabi ko sabay abot ng dala ko.

"Ayyiiee!!! Ang sweet naman!" Nakangiting asar ni Levy.

"Thank you..." Mahina niyang sabi at parang namula na naman siya.

"Alalaalalaa!!! Yes naman couple na!" Sabi naman ni Carl.

"Baliw! Hindi noh!" Natatawa kong sabi sa kanya.

Tumingin ako ulit kay Nigel at...

"Bati na tayo ah?" Tanong ko.

"Oo... wag ka ng uulit." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Nakakakilig!!! Kabahan na ang aldub at kathniel sa Kaigel." Sigaw naman ng isa kong kaklase.

"Hahaha diyan nagsimula ang lolo at lola ko." Natatawang sabi ni Jessica.

Umupo na ako sa tabi ni Nigel at nakangiti ako habang tinitingnan siya at nagtupi kaagad siya ng papel...

Binigay niya sa akin ang papel na hugis star kaya kinuha ko iyon at may nakasulat na "Thank you Kai..."

"Ayoko ng nagtatampo ka at mahalaga ka sa akin Nigel." Seryoso kong sabi sa kanya at parang namula na naman siya bigla.

"Hala! Nag-blush si Nigel... ayyiiee." Sabi naman ni JC.

Napangiti na lang ako dahil natutuwa ako sa reaction ni Nigel...

Nung lunch pumunta kami sa canteen habang kumakain at kasama ko si Nigel pati ang ibang mga kaklase ko...

"Kai... may inamin sa akin si Nigel." Natatawang sabi ni Levy sa akin.

"Ano naman yun?" Tanong ko.

"Levy sabi mo secret lang!" Sabi ni Nigel na naiinis at parang bata.

"Joke lang! Hhhaahahah." Sabi ni Levy at tawa siya ng tawa.

Kumunot na lang ang noo ko dahil sa kabaliwan nila pero masaya ako at close na nila si Nigel...

"Ehem! Kai... may chance ba na ano?" Alanganing tanong ni Carl.

"Ano? Ituloy mo..." Seryoso kong sabi at sumubo na ako ng ulam.

"May chance ba na magkagusto ka rin sa lalake?" Tanong naman ni JC habang kumakamot sa ulo.

Napa-ubo ako at parang bumara sa akin yung ulam kaya uminom kaagad ako ng tubig...

Napa-isip ako... nagkaroon na ako ng dalawang girlfriend at nakipag-break ako dahil puro arte. Sigurado naman ako na lalake ako...

"Lalake ako! Bakit niyo yan tinanong?" Nagtataka kong sabi.

"Wala naman... curious lang." Sabi naman ni Levy at natatawa lang siya kaya kumunot na naman ang noo ko.

"Ano nga kasing issue niyo?" Naiinis kong tanong sa kanila.

"Ang sweet mo kasi kay Nigel kaya naisip namin na baka may chance na maging kayo." Seryosong sabi ni Jerico kaya natawa ako.

"Sweet lang talaga ako kasi bestfriend ko si Nigel." Sagot ko kay Jerico.

"Bahala ka... pero pansin namin na siya lang ang nag-papangiti sayo." Sabi naman ni Chen.

"Wala ngang malisya sa akin... pero love ko talaga yang si Nigel." Sabi ko at parang namula si Nigel tapos sunod sunod ang subo niya ng pagkain.

"Pero Kai... alam mo bagay kayo." Sabi naman ni Jessica.

Tumingin ako kay Nigel at tahimik lang siya tapos nakayuko... parang may something silang hindi sinasabi sa akin...

Nung christmas party namin ay naglaro kaming dalawa ni Nigel ng paper dance at hindi ko alam kung bakit parang strange ang nara-ramdaman ko kapag nagka-kayakap kami...

Tumupi ng maliit ang papel at binuhat ko si Nigel... nagkatitigan kami at hindi ko alam pero parang may kislap sa mata ko habang nakatitig ako sa kanya...

Kami ang nanalo nun pero parang gusto ko na hindi matapos yung game, hindi ko alam kung bakit pero parang mas nagiging close kaming dalawa...

Parang mas na-attatch ang loob ko sa kanya habang tumatagal...

Hanggang sa dumating ang prom namin at si Levy ang ka-date ko...

"Nigel... sinong date mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala eh..." Sabi niya habang kumakamot sa ulo.

Nakasuot siya ng royal blue na coat and tie kaya mas naging gwapo siyang tingan...

Umupo lang si Nigel sa isang table kasama ang mga kaklase ko at parang may iba sa kanya...

Sumayaw kami ni Levy ng sweet dance at parang may kinikilos sila na kakaiba kasi parang hindi sila mapakali...

"Kai... punta daw tayo mamaya sa isang room kasi may importanteng usapan." Seryosong sabi sa akin ni Levy.

"Sige... tungkol saan?" Tanong ko.

"Basta seryoso..." Sabi niya.

Pagkatapos namin sumayaw ay pumunta kami sa isang room at nandun ang mga kaklase ko pati si Nigel at parang may something sila...

"Alis muna kami..." Sabi ng mga kaklase namin at lumabas sila.

"Uy teka! Ano bang meron." Tanong ko pero sinarado nila ang pinto at kami lang ni Nigel ang nasa loob.

"Ano bang nangyayari?" Tanong ko kay Nigel pero seryoso siya.

"Hhhmmm Kai? Mapapangako mo ba sa akin na magkaibigan tayo at hindi magbabago ang tingin mo sa akin?" Seryosong sabi sa akin ni Nigel.

"Oo naman... kilala kita eh." Sagot ko.

Huminga siya ng malalim at...

"Nag-ipon ako ng lakas ng loob para sabihin ito at sana hindi magbago ang tingin mo sa akin..." Seryosong sabi sa akin ni Nigel.

Hindi ako makapag-salita. Nagtataka ako sa kung ano ang sasabihin niya...

Dumukot si Nigel ng papel na pula sa coat niya at tinupi niya iyon... ambilis ng kamay niya at naghugis puso yun, sinulatan niya ng marker at ibinigay niya iyon sa akin kaya binasa ko...

"I love you..." Yun ang mga katagang nakalagay doon kaya naguluhan ako.

"Anong ibig-sabihin nito?" Naguguluhan na tanong ko sa kanya.

"Kai... mahal kita at sana tanggapin mo ang pagmamahal ko." Seryosong sabi ni Nigel na ikinabigla ko.

"Sorry Nigel... pero wala akong nararamdaman para sa iyo." Seryoso kong sabi sa kanya at ibinalik ko sa kanya ang hugis pusong origami.

Nanginginig ang kamay niya nang kunin niya iyon at nakita ko ang pagpatak ng mga luha niya...

Parang nakaramdam ako ng awa sa kanya at parang may mga bubog na tumutusok sa puso ko pero kasi... hindi ako bakla! At hindi ko balak pumatol sa kanya...

Tumalikod ako sa kanya at binuksan ko na ang pinto para lumabas pero biglang niyakap ni Nigel ang bewang ko kaya nabigla ako...

"Kai... alam ko na ayaw mo sa akin kaya simula ngayon lalayo na ako." Humahagulgol niyang sabi sa akin.

Tumalikod ako at hinarap ko siya. Umiiyak siya kaya tinanggal ko ang salamin niya para punasan ang mga luha niya at naawa ako sa kanya...

"Nigel... walang magbabago dahil ikaw pa rin ang bestfriend ko." Seryoso kong sabi sa kanya.

Humawak siya sa dibdib niya at parang hindi na naman siya makahinga kaya kinabahan ako...

"So..rry Kai... pero kapag lumapit pa ako ay lalo lang akong nahuhulog sa iyo." Humahagulgol niyang sabi.

"Hindi nagbago ang tingin ko sa iyo... kaibigan pa rin kita." Nag-aalala kong sabi sa kanya.

"Ayoko na... lalayo na lang ako para hindi na ako mahulog sayo." Sabi ni Nigel at hirap siyang magsalita habang umiiyak.

Bigla siyang nawalan ng malay kaya kinabahan ako at isinugod ko kaagad siya sa ospital na malapit dito sa venue kasama ang mga kaklase ko...

Sobra akong nag-aalala sa kanya... kasalanan ko ba yun? Nagpaka-totoo lang naman ako sa kanya eh... pero mali! Bakit parang may guilt akong naramdaman? Tama ba talaga yung naging desisyon ko?

Nandito kami ng mga kaklase ko sa labas ng room ni Nigel...

"Kai... ano ba ang nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Levy sa akin.

"Nagtapat siya sa akin pero..." Hindi pa ako tapos pero inunahan ako ni Carl na magsabi.

"Pero tinanggihan mo siya?" Tanong ni Carl at tumango lang ako.

"Ok fine... kung yan ang desisyon mo eh hindi ka namin mapipilit." Seryosong sabi ni JC.

"Pero Kai... mahal na mahal ka talaga ni Nigel." Sabi ni Levy at napatitig ako sa kanya.

Kitang-kita ko sa mga mata ni Levy na totoo ang sinabi niya... lalo akong nag-aalala kay Nigel...

"Sabi niya... lalayo daw siya sa akin." Seryoso kong sabi sa kanila.

Hindi sila sumagot at seryoso sila... parang may mali sa ginawa ko... ayoko ng may regrets, ayoko ng may mali ako pero ngayon ay hindi ko alam kung tama ba na tinanggihan ko siya...

Nahulog na rin ba ako kay Nigel?

Wala naman kasi talaga akong special na nararamdaman sa kanya at tingin ko masasayang lang ang pag-ibig niya sa akin dahil parang hindi ko naman yun masusuklian...

Nanatili lang ako sa labas ng room ni Nigel at umuwi na din ang mga classmates ko. Kinausap ako ng parents ni Nigel at...

"Alam mo ba Kai... palagi kang kinu-kwento sa amin ng anak namin." Sabi ng mama ni Nigel.

Napatingin ako sa kanya at hindi ako makapag-salita. Naiiyak ang mama ni Nigel habang kinakausap ako...

"Simula pagka-bata ay lagi lang siyang nasa bahay kasi mahina ang puso niya at bawal siyang ma-stress o mapagod." Sabi naman ng papa niya.

"Mahalaga po sa akin si Nigel at nag-aalala din po ako sa kanya." Malungkot kong sabi sa kanila.

"Alam naman namin yun... mahal na mahal ka ng anak namin." Sabi naman ng papa ni Nigel.

"Pero kung hanggang kaibigan lang talaga ang turing mo ay wala naman kaming magagawa." Sabi naman ng mama ni Nigel na naiiyak.

"Lumayo ka na lang kay Nigel para hindi na siya mapahamak." Seryosong sabi ng papa niya.

Parang bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi nila... kaya ko ba na lumayo kay Nigel? Para kasing nasanay na akong kasama siya...

"Pwede ko po bang makita si Nigel kahit ngayon lang?" Tanong ko sa kanila at tumango naman sila sa akin.

Pumasok ako sa loob ng room ni Nigel at natutulog lang siya...

I can't afford to loose this guy...

Pero kung talagang mapapahamak lang siya kapag nakipaag-kaibigan pa ako ay dapat na talaga akong lumayo para na rin sa ikabubuti niya...

Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa noo ng mariin at pagkatapos ay nagsalita ako...

"I'm sorry Nigel..." Malungkot kong bulong sa kanya.

Lalo akong nadurog nung makita ko na hawak-hawak niya ng mahigpit ang hugis pusong origami na ibinalik ko sa kanya...

Mahal niya talaga ako... pero kailangan kong lumayo para hindi na maulit ito sa kanya...

Umuwi na ako at pagdating ko sa bahay ay mag-isa na naman ako... wala ng tumatawag sa akin, wala ng pumupunta sa bahay para gumawa ng assignment naming dalawa at wala na ang bestfriend ko...

Hindi ako makatulog sa kakaisip ko kay Nigel at sobra akong guilty sa nangyari... sana bumalik kami sa dati dahil mahalaga siya sa akin...

Pagpasok ko sa school ay absent si Nigel at wala akong masyadong maka-usap dahil nalulungkot ako...

Mga isang linggo din akong ganun kasi one week din nag-absent si Nigel hanggang sa pumasok na siya...

Umupo kaagad ako sa tabi niya at parang hindi na niya ako nakikita...

"Nigel... please lang usap tayo." Malungkot kong sabi sa kanya.

Tumayo siya at lumipat ng upuan... para akong binaril sa dibdib dahil sa nangyari... ngayon lang ako nakaramdam ng ganito...

Masaya naman si Nigel kasama ang mga kaibigan ko at ako naman ay naging loner kasi gusto ko na si Nigel lang ang kasama ko...

Bakit ganito ang pakiramdam ko?

Ayos lang sa akin na mawalan ng ibang kaibigan pero iba ang epekto sa akin nung lumayo si Nigel... gusto kong kausapin siya, gusto ko na magharutan ulit kami kasi sa kanya ko lang nilalabas ang kakulitan ko pero lumalayo na siya...

Bumalik na ulit ako sa dati...

Bumalik na ang palaging seryoso at cold na ako dahil wala na ang taong nag-papangiti sa akin... sobrang laki ng impact nung nasira ang friendship namin ni Nigel...

Siya lang ang pinag-katiwalaan ko at ngayon ay wala na ang palagi kong kausap at wala na din yung taong nagbibigay sa akin ng origami...

Miss na miss ko na siya... araw-araw ay laging bumibigat ang pakiramdam ko dahil mag-isa na lang ako sa projects na dapat kasama ko siya...

Lagi kong tinititigan ang mga origami na ibinigay sa akin ni Nigel at sobra akong nagunngulila sa kanya...

Mga isang buwan na siyang umiiwas sa akin at hindi ko siya maka-usap pero malapit na ang completion kaya gusto ko na ayusin ang pagkakaibigan naming dalawa...

Lagi na silang magkasama ni Carl at pakiramdam ko ay nagkaka-gustuhan na silang dalawa... pakiramdam ko ay nagseselos ako pero bakit?

Umupo ako sa bench ng school at nagulat ako ng tumabi sa akin ang bully na si Jonas...

"Bakit malungkot ka Mr. President?" Tanong sa akin ni Jonas.

Hindi ko sigurado kung pinagti-tripan lang ako nito kaya di na ako sumagot...

"Alam mo kasi... dapat wag kang matakot na ipag-laban ang magpapasaya sa iyo." Seryosong sabi sa akin ni Jonas.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Kitang-kita ko na nasasaktan ka kaya gusto kitang i-comfort." Nakangiting sabi sa akin ni Jonas.

Hindi ko maisip kung siya ba talaga ang nasa harapan ko dahil ibang-iba talaga siya sa Jonas na Kilala ko...

"Alam ko na hindi mo balak mag-share ng problema sa akin pero bago matapos ang klase at lumipat ka sa ibang school ay may aaminin ako." Seryosong sabi ni Jonas.

Napatitig ako sa kanya at lalo akong naguguluhan sa sinasabi niya...

"Mahal din kita Kai... at ikaw ang nagpabago sa akin." Seryoso niyang sabi.

Hindi ako makapag-salita at tama ba ang narinig ko na sinabi niyang rin? Ibig sabihin alam niya na may gusto sa akin si Nigel...

"Hinangaan kita nung nalaman ko na dati ka ring bully kaya maganda kang ihemplo sa akin... hindi na ako nagtaka nung nalaman kong nagkagusto rin sayo si Nigel." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Hindi ko inaasahan na mahalin mo rin ako pero gusto ko lang na malaman mo... I love you Kai at sana hindi pa huli ang lahat sa iyo dahil alam ko na gusto mong maayos ang pagkakaibigan niyo ni Nigel." Seryosong sabi sa akin ni Jonas.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Jonas. Marami siyang nai-kwento sa akin at sabi niya nagselos daw siya kay Nigel kasi naging bestfried ko daw siya...

Niyakap ko si Jonas at naging magkaibigan na rin kami... siya ang pinaka-mailap na student dito pero hindi ko akalain na marami akong matututunan sa kanya...

Nung break time ay tinangka kong kausapin si Carl sa isang room...

"Carl... may gusto ka ba kay Nigel?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Oo... hindi siya mahirap mahalin dahil napaka-bait niya." Sagot niya.

"Pero lalaki kayong pareho..." Naguguluhan kong sabi sa kanya.

"Isipin mo ng mabuti... kung mahal mo ang isang tao ay hindi mahalaga kung ano siya dahil mahal mo siya at puso ang nagtuturo sa atin ng mamahalin." Seryosong sabi ni Carl.

"Pero diba ang babae ay para lang sa lalake at vice versa yun?" Sagot ko.

"Yun ang pinag-kaiba ng tao sa hayop, may puso tayo kaya hindi natin mapipili kung sino ang mamahalin natin." Sagot ni Nigel.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi sa akin ni Carl...

Bakit kailangan na magka-gusto siya kay Nigel? Paano kung masaktan niya si Nigel?

"Nililigawan ko si Nigel at malapit na niya akong sagutin." Seryosong sabi ni Carl at umalis na siya.

Hindi ako makapag-salita at para akong binato ng sibat sa dibdib... ang sakit at nahuli ko na lang ang sarili ko na umiiyak...

I've never felt this pain before... alam ko na kung bakit ganito ako, alam ko na kung bakit nasasaktan ako...

Dahil mahal ko rin si Nigel...

Siguro natakot lang ako na ma-judge ng ibang tao, siguro hindi pa ako handang tanggapin ang pagmamahal ni Nigel noon pero sigurado na akong mahal ko siya...

Ma-pride akong tao at pinang-hahawakan ko ang prinsipyo, dignidad at paniniwala ko kaya mahirap din sa akin na aminin sa sarili ko na nagkaka-gusto ako sa isang lalake kaya naging bulag ako...

Kung i-judge man ako ng ibang students ay wala na akong pake pero kailangan kong ipag-laban si Nigel...

Bakit kasi ngayon ko lang na-realize...

Kinailangan ko pang masaktan para lang maintindihan ko na mahal ko rin pala siya...

Bago ang uwian ay inabangan ko sa hallway si Nigel kasama si Carl at ang mga classmates ko... hinarangan ko ang daanan nila kaya napatitig sila sa akin at nagtataka...

"Anong meron Kai?..." Tanong ni Levy sa akin.

"Kakausapin ko si Nigel..." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Hindi pwede! Antigas ng ulo mo Kai! Lumalayo na nga sayo yung tao tapos ganyan ka pa." Galit na sabi ni Carl.

Tumingin ako kay Nigel at umiwas siya ng tingin sa akin...

"Gusto niyo ba na matapos ang taon na may sama ng loob si Nigel sa akin?" Seryoso kong sabi sa kanila.

Hindi na sila nagsalita kaya alam kong tama ako...

Bigla kong hinatak ang kamay ni Nigel at tinakbo ko siya sa isang room... halatang gulat sila Carl sa ginawa ko...

Nagulat din si Nigel at ni-lock ko ang pinto sa room para walang maka-istorbo sa aming dalawa...

"Ano bang ginagawa mo?" Galit na tanong sa akin ni Nigel.

Bubuksan niya dapat ang pinto pero hinarangan ko siya...

"Usap muna tayo!" Naiinis kong sabi.

"Kailangan pa ba? Malinaw naman na lumalayo na ako eh." Naiiyak niyang sabi sa akin.

"Mahal mo pa ba ako?" Malungkot kong tanong sa kanya.

"Kinakalimutan na kita kaya wag mo ng guluhin ang nararamdaman ko!" Galit niyang sagot at mangiyak-ngiyak na siya.

Hindi na naman ako makapag-salita at alam kong malalim talaga ang sama ng loob niya sa akin...

"I'm so stupid na nahulog ako sayo! Pero wag mo ng ungkatin ang friendship natin dati kasi ayoko na!" Galit niyang sigaw at tumulo ang luha niya.

Tinulak niya ako at bubusan na niya sana ng pinto pero hinatak ko siya para humarap siya sa akin...

"Mahal din naman kita..." Mahina kong sabi habang naka-yuko.

Hindi nagsalita si Nigel at feeling ko nabigla siya... hinarap ko ang mukha ko sa kanya at...

"Sabihin mo na mahal mo rin ako..." Naiiyak kong sabi sa kanya.

Hindi siya nagsalita at umiiyak na lang siya...

"To..to.o ba yan?" Umiiyak niyang tanong sa akin.

Tumango lang ako sa kanya at...

"Mahal na mahal kita Kai... at hindi ko nagawang kalimutan ang nararamadaman ko sayo". Umiiyak niyang sabi sa akin.

Kinuha niya ang hugis pusong origami sa bulsa niya at ibinigay niya iyon sa akin...

"Sana tanggapin mo na ang pagmamahal ko sayo." Umiiyak niyang sabi habang inaabot sa akin ang origami.

Kinuha ko iyon at lalo akong naluha...

Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit dahil sobra ko siyang na-miss...

"Mahal din kita Nigel... sorry at ngayon ko lang na-realize." Sabi ko habang nakayakap ng mahigpit sa kanya.

Humarap ako sa kanya at tinanggal ko ang salamin niya tapos ay pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang kamay ko...

"Hindi na kita sasaktan ulit Nigel... simula ngayon ay mamahalin na kita ng buong-buo." Seryoso kong sabi at pinunasan niya rin ang luha ko.

"Thank you Kai... I love you." Seryosong sabi sa akin ni Nigel.

Hinawakan ko ang mga pisngi niya at hinarap ko ang mukha niya sa akin...

"I love you too Nigel..." Sabi ko at unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya.

Hinalikan ko siya ng mariin at parang sobrang sarap sa pakiramdam ng bawat segundo na magkadikit ang mga labi namin...

Ang lambot ng mga labi niya at sobrang passionate ng pagkakahalik... para akong nasa langit sa sobrang saya habang naluluha...

Pagkatapos namin maghalikan ay lumabas na kami ng room habang magka-holding hands...

Tumambad sa amin ang mga classmate namin at halatang nagtataka sa aming dalawa...

"Ok lang ba kayo? Anong nangayi?" Usisa ni Jessica sa amin.

Tinaas ko ang magkahawak naming kamay ni Nigel at...

"Kami na..." Nakangiti kong sabi.

Biglang ngumanga sila Levy at parang ayaw nilang maniwala...

"Talaga? Patunayan mo nga! Baka mamaya niloloko mo lang si Nigel!" Galit na sabi ni Carl sa akin.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Carl at bigla kong hinawakan sa batok si Nigel at hinalikan ko siya ng mabilis sa labi...

"Pwede na ba yun?" Tanong ko at lalong ngumanga sila Carl.

Tumingin ako kay Nigel at namula siya ng sobra at parang nahihiya na siya sa ginawa ko...

"Wow! Congrats..." Sabi ni Levy at pumapalakpak pa siya.

"Sabi ko na nga eh! Magiging kayo talaga!" Nakangiting sabi ni JC.

Pagkatapos ng araw na yun ay lagi na kaming masaya ni Nigel at minsan may nangyayari na sa amin sa bahay...

Hanggang sa sinabi ni Nigel ang relasyon namin sa parents niya na sobrang saya. Hindi alam ng parents ko kasi nasa ibang bansa sila pero hindi ako natatakot...

Hindi ko pinagsisihan ang naging desisyon ko dahil sobrang saya ko at wala akong pakialam sa ibang tao. Basta mahal ko si Nigel!

Tapos ako ang naging valedictorian ng junior high sa amin kaya meron akong speech ngayon...

"First of all... I would like to thank all the teachers, maintenance, faculty staffs, the principal and the admin of this school. Ngayong taon ay puspusan ang pag-aaral natin at masasabi ko na ngayong taon din ang pinaka-masaya para sa akin. Nalampasan natin lahat ng mga mahihirap at sakit sa ulo na school works at naka-survive tayo! Buti na lang naka-pasa kayong lahat." Sabi ko at tumingin ako sa section nila Jonas at natatawa din siya.

Mabait naman pala talaga si Jonas at alam niyo ba na naging sila ngayon ni Carl kaya natutuwa ako...

"Marami na akong natutunan pero ang pagiging tapat at masipag na estudyante ay sapat na... marami na akong pinagdaan pero hindi ko inaasahang may magbabago pa pala sa akin. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng naging classmates ko at napaka-bait niyo talaga. Gusto ring pasalamatan si Jonas dahil nakita ko na mabuti din siyang student na hindi nakikita ng marami." Sabi ko at nagpalakpakan naman silang lahat tapos parang sobrang saya ni Jonas sa special mention niya.

"May taong dumating sa buhay ko at malaki ang aral na itinuro niya sa akin. Natutunan ko sa paaralang ito kung paano maging totoong tao at itinuro sa akin ng espesyal na taong ito kung paano ba magmahal." Sabi ko at naghiyawan naman ang mga classmates ko.

Tumingin ako kay Nigel at...

"Tama ang sinabi nila... walang pinipili ang pag-ibig kaya hindi ako matatakot and I'm proud to say that I'm inlove with the same sex. Yes! I'm inlove with my boyfriend." Seryoso kong sabi at parang nagulat ang mga parents at ibang mga bisita.

Tumingin ako kay Nigel at parang nahiya na naman siya pero nakangiti at parang kinikilig...

"It takes time for me to realize how much I care for him... look at him, he is so handsome right?." Sabi ko at tinuro ko si Nigel.

"I really love that guy." Sabi ko at nagpalkpakan naman yung mga tao.

"I will dedicate this success to my love and my family... umpisa pa lang ito dahil mas marami pa tayong haharapin na pagsubok sa pagtutungtong natin ng senior high. I wish you all the best. Thank you!"

Marami pa akong sinabi sa speech pero yun naman talaga ang main idea ng gusto kong iparating na mensahe sa kanilang lahat...

Naging masaya kami ni Nigel at pareho kami ng school na papasukan ngayong senior high...

Sa buhay ay akala ko ok na mag-isa ako pero hindi pala sapat yun dahil si Nigel ang bumuo sa nawawalang piraso ng puso ko... he filled the empty space in my heart...

Si Nigel ang taong nagbukas ng mga mata ko kung paano ako magiging masaya dahil hindi pala sapat ang kasiyahan na ibinibigay sa akin ng mga parangal at mga medalya dahil walang kapantay na kasiyahan ang ibinibigay sa akin ni Nigel...

Nagbago ang pananaw ko sa buhay at pag-ibig. Alam ko na marami pa akong haharapin na pagsubok pero masasabi ko na mas naging matatag ako ngayon dahil kay Nigel...

Hindi na ako matatakot at sa kanya ako humuhugot ng lakas... hindi na ako takot magkamali dahil alam ko na meron din akong matututunan...

Ang puso ni Nigel ay parang papel... makulay pero madaling mapilas...

Sana may natutunan kayo sa kwento ko at hindi pa ito ang happy ending namin dahil simula pa lang ito ng kabanata namin ni Nigel... lagi niyong piliin ang tama at magpapasaya sa inyo at hindi niyo kailangang matakot dahil dadating din ang isang Nigel sa buhay niyo...


Dadating din ang taong magmumulat ng mga mata niyo, magtuturo ng aral at bubuo na nawawalang parte ng puso niyo...

Wakas........

Surrogated Promises

By: Lord Iris

Kakatapos ko lang magluto ng agahan at nakita ko ang minamahal kong si Noel na nakatitig sa isang album. Nakatitig na naman siya sa album kung saan makikita ang picture ng mga cute na baby...

"Noel... bakit nakatitig ka sa picture ng baby?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

Tumitig siya sa akin ng panandalian tapos ngumiti siya at parang magkahalo ang lungkot at saya sa mga mata niya... tapos bumalik ang tingin niya sa picture...

"Gusto kong magka-anak Jinx." Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa larawan ng sanggol.

"Ganun ba Noel ko? Punta tayo mamaya sa ampunan para magka-anak na tayong dalawa." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Umiling-iling siya at hindi maalis ang tingin niya doon sa larawan ng sanggol...

"Gusto ko ng totoong bata... yung galing sa akin... yung kadugo ko."

Habang tinititigan ko ang seryosong mukha ni Noel ay bigla na lang akong nakaramdam ng mainit na tubig sa mga mata ko... alam ko na hindi ko kayang ibigay sa kanya ang hinihiling niya dahil bakla ako...

Mahal na mahal ko si Noel pero imposibleng maibigay ko sa kanya ang hinihingi niya kahit na gustong-gusto ko iyong ibigay...





............






"Kuya Jinx! Gising na po kayo at meron po kayong bisita..." Sigaw ng kapatid ko habang niyuyugyog ang kama ko.

"Wait lang... antok pa ako eh." Tinatamad kong sabi.

"Kanina pa po kayo hinihintay ni Kuya Noel."

Bigla akong napabangon sa kama ko!

Shet!!! Si Noel pala ang bisita ko ngayon! Diyos ko kailangan kong mag-ayos at para hindi naman ako magmukhang Homo Erectus sa harapan ng Greek God na yun!!!

Naligo ako kaagad sa banyo at nagbihis ako ng disenteng damit dahil kahit sa pananamit man lang ay magmukha akong tao hahaahah...

Ako nga pala si Jinx! Masayahin akong tao at laging nakangiti... hindi naman ako gwapo pero hindi rin ako panget. Sabihin na natin na maporma lang ako at maayos sa sarili. Bakla ako hahahaa pero hindi naman ako umaastang babading-bading... Lalake akong kumilos at disente...

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako sa sala at nakita ko si Noel na napaka-gwapo... siya ang crush ko, love ko, bestfriend ko at boyfriend ko. Tinukso lang kami ng mga kaibigan namin kaya naging kami ni Noel at hindi ko inaasahang magkakagusto pala sa akin ang napaka-gwapong nilalang na kagaya niya...

"Bebs! Antagal ko nang naghihintay dito eh." Nakangiting reklamo ni Noel.

Parang wala na siyang mga mata kapag ngumingiti siya... singkit kasi si Noel ko eh at maputi siya kaya marami din akong kaagaw sa kanya. Di ko nga alam kung anong nagustuhan nito sa akin eh...

"Happy 6th anniversary bebs." Nakangiti kong bati sa kanya.

Oo tama kayo! 6 years na kami ni Noel ko at sa loob ng anim na taong asaran, tampuhan, kulitan at kantutan ay hindi nagbago ang tingin ko kay Noel dahil siya lang ang mahal ko!

"Happy 6th anniv. din bebs!" Nakangiti niyang bati sa akin.

Ngumiti na lang ako at sa loob ng anim na taon ay minsan natutulala pa rin talaga ako kapag ngumingiti siya sa akin...

Biglang hinawakan ni Noel ang kamay ko at...

"Halika na bebs... pasyal na tayo." Nakangiti niyang pagyaya sa akin.

Pumunta kami ni Noel sa isang park at doon ko lang kasi talagang gusto na pumunta at bakit? Kasi masaya akong makakita ng mga batang naglalaro at nakaka-relax yun para sa akin. Ganun din si Noel ko... mahilig siya sa mga bata...

"Bebs... I love you." Sabi ko sa kanya.

"I love you too bebs." Sagot niya.

"Uuhhhmmm... bebs punta muna ako sa restroom saglit." Pagpapaalam ko kay Noel.

"Sige Jinx... wag kang magmimilagro doon ah kasi mamaya na natin gagawin yan hahaaaa." Natatawang sabi ni Noel.

"Syempre naman! Rawr!!!" Sabi ko sa kanya at sumenyas pa ako na kakagatin ko siya.

Tawa lang ng tawa si Noel ng iwan ko siya doon sa park... nag-ayos muna ako ng sarili ko at ako kasi yung tao na ayaw na ayaw magmukhang dugyot kaya ayokong napapawisan...

"Bakla..." Bulong ng katabi kong lalake.

Napatitig na lang ako sa kanya ng masama at nagpapa-gwapo din ang mokong sa salamin...

"Sinong bakla?!!!" Galit kong tanong sa kanya.

Di siya sumagot... tumitig lang siya sa akin at ngumiti... nakaka-bwisit!!!

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Inis kong tanong sa kanya.

"Wala naman... masama ba ngumiti?"

Napaka-pilosopo nitong nilalang na nasa harapan ko! Tumingin na lang ulit ako sa salamin at diniinan ko ang pagpupulbo sa mukha dahil sa inis ko sa lalakeng katabi ko...

"Uy! Wag mo naman diinan... sayang naman ang cute mong mukha." Natatawa niyang sabi sa akin.

"Pakelam mo ba?" Inis kong tanong.

Nginitian lang niya ako at napansin ko na gwapo pala ang mokong. Pero hindi! Ako ang tipo ng tao na hindi nakukuha sa kagwapuhan hahahaa. Ako yata ang santo ng true love...

Umalis na lang ako sa restroom na yun at ayoko ng makita ang pagmumukha ng lalakeng yun... maka-sabi siya sa akin bakla! Hay naku! Hindi naman ako mukhang bakla eh... bakit ba ako nagagalit? Totoo naman pala hahahaa...

Ako yung tipo ng tao na hindi tumitingin sa panlabas na anyo... yung masabi lang na kaaya-aya ang hitsura mo pwede na basta mabuti kang tao... maswerte lang talaga ako at sobrang gwapo ni Noel...

Naglakad na ako pabalik doon sa park kung nasaan si Noel at may nakita akong babaeng kausap niya...

Lumapit ako sa kanila at bago pa nila ako makita ay naglakad na palayo ang babaeng kausap ni Noel...

"Noel sino yun?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Nagtanong lang sa akin kung saan daw yung rentahan ng bike." Nakangiting sagot ni Noel.

Tumabi na ako sa kanya at sinandal ko ang ulo ko sa muscles niya sa braso hahahaa... yum yum!!! Nakaka-inis lang at wala akong muscles...

"Jinx... pakasal na tayo." Narinig kong sabi ni Noel.

Napa-ayos na lang ako ng upo at tumitig ako kay Noel...

Kumuha siya ng pulang kahon sa bulsa niya at binuksan niya iyon sa harapan ko... nakita ko ang sing sing...

"Jinx... gusto kitang makasama habang buhay..." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Si..sisi.gurado ka?"

Tumango lang si Noel at nginitian niya ako ng napakalaki... hindi ako makapaniwala na papakasalan pala ako ni Noel... akala ko kasi hanggang mag-syota lang kami...

Naramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko...

"Of course payag ako Noel..." Sabi ko sabay patak ng mga luha.

Nanginginig ang daliri ko ng ilagay niya sa akin ang sing sing... pinunasan ni Noel ang mga luha ko gamit ang mga daliri niya...

"Wag kang umiyak Jinx..." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Masaya lang ako Noel..." Sagot ko at pinilit ko rin ngumiti.

Alam niyo ba yung pakiramdam na bakla ka tapos may lalakeng sumeryoso sayo? Parang umaapaw sa kaligayahan yung pagkatao ko... yung mahal ka ng taong mahal mo at alam mong siya na ang karapat-dapat para sayo tapos nandiyan lang siya palagi...

"Uy! Baka matunaw yang sing sing kakatitig mo..." Natatawang sabi ni Noel sa akin.

Ngumiti na lang ako sa kanya at hindi ko alam na sa anim na taon pala naming magkasama ay gusto pa niya na itali ang relasyon namin...

"Mamayang gabi yari ka sakin... kakainin kita hahaaa." Tumatawang sabi sa akin ni Noel na parang nadedemonyohan.

"Magkakainan tayong dalawa... gawa na agad tayo ng baby." Tumatawa kong sabi sa kanya.

"Hahah I will rip your ass." Natatawa niyang sabi sa akin.

Si Noel... mahal ko yan at napaka-manyakis niyang taong yan! Laging may nangyayari sa aming dalawa tuwing magkasama kami pero syempre enjoy naman ako hahha...

Lumipas ang mga araw at napag-desisyunan naming dalawa ni Noel na sa isang taon pa magpakasal... syempre ipon din pag may time noh!

Nandito ako ngayon sa isang mall at kagagaling ko lang sa trabaho ko... nakakapagod talaga ang maging IT consultant... minsan may kliyente kang bastos, hambog pero minsan mababait naman...

Masarap talaga kumain ng dq kahit malamig o mainit ang panahon... bakit ba? Adik ako sa dq eh...

Umorder na ako ng oreo at yung pinaka-malaki ang gusto ko hahah sabihin niyo nang patay gutom ako pero kaya ko namang ubusin lahat yun kasi favorite ko kahit medyo nananaba ako hahaa...

Umupo na ako sa tabi at napansin kong marami-rami din pala ang mga tao ngayon dito sa dq at merong isang lalake na naka-catch ng attention ko...

Ampogi niya shet!!! Pero mas pogi pa din si Noel ko... fit yung sleeves niya at maputi siya... ang ganda ng jawline niya at yung mata niya parang laging inaantok... ang totoo lagi akong na-iinsecure kapag nakakakita ako ng gwapong nilalang...

Pareho kami ng order ni pogi... unti-unti siyang lumapit sa pwesto ko at parang nagliliparan ang mga petals habang papalapit siya...

Ang landi ko shet!!! Hahaaaa

"Uuhhmmm bakla pwedeng maki-share ng table?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

Bakla daw ako?

Ay shutangina!!! Siya yung lalake doon sa cr!!! Siya yung pilosopong lalake na nilait ang manok niyo!

"Hoy! Sinong bakla? Tirahin kita diyan eh!" Inis kong sabi sa kanya.

Bigla na siyang umupo sa harapan ko kahit hindi pa ako pumapayag... hay jusmiyo! Ano bang magagawa ko kung hindi ang hayaan na lang siya at hindi naman ako ang may-ari ng dq...

"Hahaha nakita ko kayo ng boyfriend mo sa park! Sige mag-deny ka pa na hindi ka bakla!" Tumatawa niyang sabi.

Dahil sa sinabi niya ay natahimik na lang ako bigla... nakakainis talaga itong kupal na to!!!

"Kitam!!! Paiyak-iyak ka pa nga nung nag-propose sayo si bebs mo." Sabi niya at tumawa siya ng malakas.

"Can you please just shut up?" Inis kong tanong.

Oh ayan!!! Hahaaha napa-english ang lola niyo... ganito talaga ko pag naiinis bigla na lang nagiging best in english...

Binunot niya ang kutsara sa sundae at bigla niya yung dinilaan sa sesual na pamamaraan... kitang-kita ko ang mamula-mula niyang dila na pinaglalaruan ang kutsara...

Shet!!! Nakakalibog siya eh me ged...

"Hoy bastos ka! Maraming customer dito eh." Galit kong sabi sa kanya.

"Nu naman? Pake ko?" Pilisopo niyang sagot.

"Pilosopo ka talagang kupal ka!" Inis kong sabi sa kanya.

He just rolled his eyes... letse itong lalake na ito!

Tumayo na ako para umalis at dinala ko na lang ang paborito kong sundae dahil ayoko nang makita ang mukha ng lalaking ito!

"Uy teka! Saan ka pupunta?" Bigla niyang tanong sa akin.

"Edi aalis... tanga ka ba?" Inis kong tanong sa kanya.

"Usap muna tayo... di pa nga tayo magkakilala eh..." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"At sa tingin mo gusto kitang makilala?"

Huh! Hindi lang siya ang pwede mamilosopo! Hindi na makapagsalita ang mokong at umalis na ako ng dq dahil gusto ko na ring umuwi at pagod na pagod na ako...

Ilang araw din akong nakatitig sa engagement rin na ibinigay sa akin ni Noel... next year pa kami ikakasal pero napaka-saya ko dahil sobrang swerte ko na maputa sa akin si Noel...

He is my first love... sana siya na talaga ang last...

Medyo ilang araw na din kaming hindi nagkikita ni Noel at ang sabi niya sa akin ay busy daw siya sa trabaho... malaki ang tiwala ko sa kanya at ni minsan hindi niya ako nagawang lokohin...

Bigla na lang tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Noel kaya sinagot ko kaagad...

"Uy bebs bakit napatawag ka? Miss na miss na kita." Mabilis kong sabi.

"Kasi..." Alanganin niyang sabi.

"Ano yun bebs?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Kita tayo mamaya... doon sa cafe na lagi nating pinupuntahan." Sabi niya sa akin at parang seryoso na ang boses ni Noel.

"Uuuhhhmmm... sige..."

Binaba niya na bigla ang phone at nagtataka ko sa kanya... wala man lang siyang I love you sa akin... tapos anong oras na at gusto niyang makipag-kita...

Nagbihis na ako at malapit lang naman dito ang cafe...

Parang kinakabahan ako... parang may mali at hindi dapat... humigpit na lang ang pagkakahawak ko doon sa binigay niyang sing sing...

Nakita ko si Noel sa cafe at may kasama siyang babae... sumikip bigla ang dibdib ko at nagtatawanan pa silang dalawa...

Maganda yung babae at mukhang dalaga pa siya at disenteng tingnan...

Pumasok na ako sa loob at lumapit na ako sa kanilang dalawa...

"Uy bebs! Lika upo ka sa tabi ko." Nakangiting sabi sa akin ni Noel.

Nagtataka ako sa kanya at hindi ko kilala ang kasama niyang babae kaya umupo na lang ako sa tabi ni Noel...

"Noel... sino siya?" Tanong ko sa kanya.

"Hhmmm... siya si Mina." Nakangiting sabi ni Noel.

"Mina... ito nga pala si Jinx yung papakasalan ko." Nakangiting sabi no Noel sa akin.

"Hi Jinx! Ikaw pala yung kinukwento sa akin ni Noel." Nakangiting bati sa akin nung babae.

Nginitian ko na lang siya dahil naguguluhan talaga ako sa nangyayari ngayon...

"Noel... pwede bang ipaliwanag mo kung bakit nandito tayo?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

Nakangiting tumitig sa akin si Noel at hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa...

"Si Mina yung tutulong sa atin..." Sabi ni Noel at kita ko sa mga mata niya na masaya siya.

Anong ibig niyang sabihin? Naguguluhan ako lalo...

"Paanong tutulungan?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Baby maker si Mina... siya ang magiging surrogate mother ng magiging baby natin."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya... parang may kirot at hindi pa bumabaon sa akin yung sinabi ni Noel...

Napag-usapan namin na bubuntisin daw ni Noel si Mina at babayaran namin siya para sa amin na ang magiging anak nila... unang customer pala kami ni Mina...

Bakit parang may kirot sa dibdib ko? Yung para bang hindi tama yung nangyayari ngayon...

Hanggang sa matapos ang usapan naming tatlo at parang maiiyak ako na ewan at hindi ko alam kung bakit...

"Uuhmm... Jinx bakit parang hindi ka masaya?" Tanong ni Noel.

Naglakad na lang kami pauwi kasi gusto niya daw akong kausapin habang hinahatid niya ako papunta sa bahay...

"Uy Jinx! Kanina ka pa tahimik." Seryosong sabi ni Noel.

Huminga ako ng malalim at tumitig ako ng diretso sa mga mata niya...

"Ewan ko Noel... pakiramdam ko may mali sa nangyayari..." Matamlay kong sagot sa kanya.

"Jinx! Isipin mo nga... hindi tayo magkaka-anak at ito lang ang paraan para magkaroon tayo ng anak." Seryoso niyang sabi sa akin.

"Ewan ko Noel... hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon."

Hinawakan ako ni Noel sa mga pisngi ko at...

"Jinx... magkaka-anak na tayo kaya dapat maging masaya ka." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Pinilit ko na lang din ngumiti sa harapan ni Noel... tama talaga siya... dapat maging masaya ako at magkaka-anak na kaming dalawa...

Siguro nabigla lang ako kanina kasi hindi niya sinabi sa akin. Bigla na lang siya na may pinakilalang babae tapos sasabihin niya na yun ang magiging surrogate mother....

Siguro nga pinaghahandaan lang ni Noel ang future naming dalawa at sino ba naman ako para magreklamo. Buti nga papakasalan niya ako eh at alam ko naman na mahal niya ako...

Lumipas na ang mga araw at dumating na din yung kinatatakutan ko dahil ito na ang araw na gagawa ng anak si Noel kasama ni Mina...

Nag-check in kaming tatlo sa isang hotel at parang nanginginig ang mga kamay ko habang pumapasok kaming tatlo sa loob...

"No..noel... si.gurado ka na ba?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Syempre naman bebs!" Nakangiti niyang sabi sa akin.

Hinawakan ni Mina ang kamay ko at tumitig siya sa mga mata ko...

"Wag kang matakot Jinx... wala akong gagawin na ikakasama ng relasyon niyong dalawa." Nakangiting sabi sa akin ni Mina.

"Sige... bahala na kayo..." Sabi ko at hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Umupo na lang ako sa sofa at unti-unti ng tinatanggal ni Noel at Mina ang mga damit nilang dalawa... sa simula ay parang hindi nila alam ang gagawin nila... si Noel ay tingin ng tingin sa akin at pinilit ko na lang ngumiti para hindi na siya mag-alala...

Tumagal din at nagsimula na si Noel na ipasok kay Mina ang pagkalalaki niya at parang madudurog na lang ako bigla...

Rinig ko ang mga ungol nila...

Hindi ko sila kayang tingnan...

Tumayo na lang ako bigla at tumakbo ako palabas ng hotel... siguro hindi na ako napansin nung dalawa at mukha namang sarap na sarap sila...

Hindi ko alam kung bakit parang may lumiliyab sa dibdib ko... yung para bang hindi yun ang dapat na maramdaman ko...

Tumakbo lang ako hanggang sa makarating ako sa park... umupo ako sa bench at bigla na lang tumulo ang mainit kong mga luha...

Hindi mawala sa isip ko yung ginagawa nilang dalawa... bakit pakiramdam ko niloko ako? Pero hindi naman eh...

Yumuko ako at tinakpan ko na lang ang mga mata ko...

Naramdaman ko na may lalaking tumabi sa akin dahil gumalaw ang bench...

"Gabi na... bakit nandito ka pa?" Sabi nung lalake at parang may halong pag-aalala ang boses niya.

Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ko muna ang mukha ko bago ako tumingin sa kanya... nabigla ako ng makita ko na siya yung lalakeng nam-bad trip sa akin sa cr at dq...

"Kung nandito ka para bwisitin ako umalis ka na..." Seryoso kong sabi.

"Umiiyak ka ba?" Tanong niya at kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at wala akong balak makipag-away sa kagaya niya...

"Kung ok lang sayo... pwede akong makinig sa problema mo bakla." Nakangiti niyang sabi.

"Ano ba? Wag mo nga ako tawaging bakla!" Inis kong sabi sa kanya.

"Kapag hindi mo sinabi ang pangalan mo ay bakla ang itatawag ko sayo..." Nakangiti niyang sabi.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil hindi ko na alam ang tumatakbo ngayon sa isip ko...

"Jinx... yun ang pangalan ko." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Hi Jinx! Nice to meet you... by the way I'm Onyx." Nakangiti niyang sabi.

"Stalker ka ba? Bakit lagi tayong nagkikita?" Seryoso kong tanong.

"Coincidence siguro..." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Bakit nandun ka sa cr?" Tanong ko.

"Malamang umihi ako hahaa." Natatawa niyang sabi.

"Wrong question... I mean bakit nandun ka sa park?" Tanong ko.

"Uuuhhhmmm... Nag-date kami ng girlfriend ko." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Kaya pala... siguro nga nagkataon lang na nagkita kami...

"Napansin ko nga na mas sweet pa kayo ng bebs mo nun kesa sa amin ng girlfriend ko eh..."

"Eh sa dq? Bakit nandun ka?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Kasi... nakipag-break sa akin yung girlfriend ko." Sabi niya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Eh bakit parang hindi ka naman malungkot nun?" Tanong ko ulit.

"Kasi nakita kita... naisip ko na kung aasarin kita eh matutuwa ako pero hindi pala." Seryoso niyang sabi.

So ganun pala kasama ang ugali ng lalakeng ito? Gusto niya na asarin ako para mawala ang lungkot niya...

"Jinx... bakit umiiyak ka kanina?" Seryoso niyang tanong sa akin.

"Hindi ako mahilig mag-share sa hindi ko naman kakilala." Sabi ko.

"Gusto lang naman kitang makilala at makikinig naman ako eh..." Sabi niya.

Huminga na lang ako ng malalim at kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata ni Onyx...

"Yung mahal ko... naghanap siya ng surrogate mother at kasalukuyan nilang ginagawa yung bata sa hotel."

Napatingin ako kay Onyx at bakas sa mukha niya ang pagka-gulat dahil sa sinabi ko sa kanya...

"Alam ko na dapat matuwa ako dahil magkaka-anak na kami pero... pero kasi ang sakit na nakita ko silang dalawa na naglalampungan." Sabi ko at di ko na napigilang tumulo ang mga luha ko.

Lumapit si Onyx at pinunasan niya ang mga mata ko gamit ang mga daliri niya...

"Normal lang na masaktan ka... kasi nakita mo yung mahal mo na kasama ng iba..." Nag-aalala niyang sabi.

"Pero hindi dapat..."

"Jinx... maswerte ka nga at hindi ka niya iniwan... hindi kagaya ko." Malungkot niyang sabi.

Napatitig na lang ako sa kanya at alam ko na kahit pangiti-ngiti siya ay malaki din ang problema niya...

Kwinento ko sa kanya ang lahat at parang nabawasan yung nararamdaman kong sakit... ok naman pala si Onyx... akala ko mahina siya umintindi at tatawanan niya ako pero mabait pala siya...

"Onyx... matanong ko lang... bakit lagi kang nakangiti kahit may problema kang dinadala?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi naniniwala ako sa kasabihan na fake it until you make it." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Ang lalim ng ibig sabihin nun ah... may sense pala talaga siyang kausap at magaan ang loob ko sa kanya...

"Jinx... dapat lagi kang nakangiti kasi kung malulungkot ka ay lalo lang magiging mabigat ang lahat kaya dapat ngumiti ka kahit mahirap." Seryoso niyang sabi sa akin.

"Jinx!!! Bebs kanina pa kita hinahanap!"

Lumingon ako at nakita ko si Noel na parang galit...

Tumayo na ako sa bench at naglakad ako palapit kay Noel ko...

"Ano... kamusta na yung nangyari kanina?" Nakangiti kong tanong.

"Ok lang naman... ikaw? Sino yang kasama mo?" Seryosong tanong sa akin ni Noel.

"Si Onyx... friend ko..." Sagot ko sa kanya.

Ngumiti si Onyx kay Noel at bigla na lang tinaasan ni Noel ng kilay si Onyx at parang naiinis siya... hinatak ako bigla ni Noel palayo kay Onyx at ambilis niya maglakad...

Huminto na lang kami ng makalayo na sa may eskinita malapit sa bahay...

"Jinx! Wag ka naman makipag-kilala kung kani-kanino." Inis niyang sabi sa akin.

Si Noel... kilala niya lahat ng mga kamag-anak at mga kaibigan ko kaya mukhang nabigla siya nung nakita niya na kasama ko si Onyx...

"Sorry Noel... mabait naman siya eh."

"Mabait? Hindi mo siya kilala Jinx! Nalingat lang ako naghanap ka na ng iba." Galit niyang sabi sa akin.

Parang ansakit sa dibdib ng narinig ko sa kanya... bakit parang ako pa ang unfair sa amin...

"Noel! Hindi ako naghanap ng iba! Ganyan ba kababa ang tingin mo sakin ha? Ilang taon na tayong magkasama tapos ngayon mo pa ako pagsasalitaan ng ganyan!" Sabi ko at parang may tumulong luha sa akin.

"Sorry Jinx... di ko sinasadya... nagseselos lang ako." Seryoso niyang sabi sa akin.

"At sa tingin mo hindi ako nag-selos nung nakita ko kayo ni Mina... bigla mo na lang siya pinakilala! Hindi mo man lang tinanong kung handa na ako para sa ganung bagay." Sumbat ko sa kanya na puno ng hinanakit.

Yumuko lang si Noel at tumakbo na ako papasok ng bahay at dali-dali akong nagkulong sa kwarto ko...

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng sakit pero hindi ko mapigilan... siguro insecure lang ako kasi hindi ko siya kayang bigyan ng anak...

Narinig ko na tumunog ang phone ko at may message si Noel...

...............

From: Noel

"Alam kong galit ka... sorry... kausapin mo na lang ako kapag gusto mo na..."

................

Ganyan talaga si Noel... lumalayo siya kapag galit ako at may tampuhan kami. Gusto niya na bigyan ako ng space kahit na gustong-gusto ko siyang maka-usap...

Lumipas ang mga buwan at nag-bati na rin kami ni Noel... hindi ko naman kasi matiis na wala siya sa tabi ko at yun ang kahinaan ko...

Ako lagi ang unang nakikipag-ayos sa kanya kahit may mali siya kasi ayoko talaga na may tampuhan kaming dalawa... kahit kasalanan niya ako pa din ang makikipag-ayos...

Lumipas ang ilang buwan ay buntis na din si Mina at lagi namin siyang dinadalaw ni Noel sa bahay niya. Nagdadala kami minsan ng mga prutas at mga pagkain. Regular din ang check-up ni Mina para masigurong ligtas ang baby...

Ganun palagi ang naging set up namin. Kitang-kita ko si Noel kung gaano siya kasaya habang pinapakinggan ang bata sa loob ng tiyan ni Mina...

May konting kirot sa dibdib ko...

Pero masaya pa din ako kasi kung yun ang magpapa-ngiti sa taong mahal ko ay ibibigay ko yun sa kanya...

Hindi na rin kami lumalabas ni Noel. Wala na kaming date... ang sakit minsan kasi ang naging routine niya na ay pumasok sa trabaho at bisitahin si Mina...

Hindi na rin niya ako maalalang tawagan, i-text o kamustahin man lang... ang totoo niyan eh halos isang buwan na kaming hindi nagkikita at halos isang buwan na siya na walang paramdam sa akin...

Pakiramdam ko tuloy hindi na ako mahal ni Noel...

Bigla na lang nag-ring ang phone ko at akala ko ay si Noel ang tumatawag pero hindi pala... si Onyx... naging magkaibigan kami simula ng kunin niya ang number ko sa park...

"Good evening Jinx!" Bati niya sa masayang tono.

"Good evening..." Matamlay kong sagot sa kanya.

"Uy... bakit parang malungkot ka?" Sabi niya ng may pag-aalala.

Natahimik na lang ako sa kabilang linya at hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang problema ko ngayon kay Noel...

"Kwento mo na lang... makikinig ako." Sabi niya sa seryosong boses.

"Si Noel kasi... wala na siyang paramdam sa akin." Sabi ko at parang medyo naluluha ako.

"Hhmmm... busy siya sa magiging anak niya tama ba?" Tanong niya sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago ko subukang sagutin ang tanong ni Onyx sa akin...

"Oo Onyx... wala na siyang oras sa akin kahit isang segundo hindi niya ako naisip batiin." Sabi ko sa kanya na puno ng hinanakit.

"Well... sabi niya naman para yun sa future niyo diba? So... hintayin mong makalabas ang bata at pakasalan ka niya." Sabi ni Onyx sa kabilang linya.

"Pero Onyx... lagi ko siyang inaantay." Sabi ko at tumulo na ang luha ko.

Ano ba yan! Ang dramako tsk.

"Wag kang mapagod... kung talagang mahal mo siya ay hihintayin mo siya kahit wala kang assurance... kahit masakit... kahit nakakalungkot kasi mahal mo siya eh kaya hindi ka dapat mapagod." Sabi niya sa seryosong boses.

Tama... tama si Onyx pero hanggang kelan ako maghihintay na pansinin ako ulit ni Noel? Lagi ko siyang hinahanap kahit sa text pero mukhang hindi siya ganun...

Nalulungkot na ako... sobra na akong nangungulila sa kanya at minsan hindi ako makatulog habang tinititigan ang sing sing na simbolo ng mga pangako niya...

Pinanghahawakan ko ang mga pangako niya sa akin... pinanghahawakan ko ang mga salita ni Noel...

Malaki ang tiwala ko sa kanya kaya hihintayin ko siya...

"Jinx! Nandiyan ka pa ba?" Biglang sabi ni Noel sa kabilang linya.

"Ay oo! Sorry... napa-isip lang ako sa mga sinabi mo."

Nakalimutan ko na kausap ko pala si Onyx sa phone...

"Basta... nandito lang ako. Handa akong damayan ka at asarin ka." Natatawa niyang sabi sa akin.

Napangiti na lang din ako... ganyan kasi si Onyx... maloko siya at lagi akong inaasar pero nandiyan naman siya palagi para damayan ako...

"Thank you Onyx... sige na tulog ka na at may pasok ka pa bukas." Sabi ko sa kanya.

"Sige... Night na Jinx bakla!" Tumatawa niyang sabi at binaba na niya ang phone.

Natawa na lang din ako ng wala sa oras... si Onyx talaga enjoy na enjoy akong tawagin na bakla...

Tumingin ako sa kalendaryo at bumigat na naman ang pakiramdam ko ng makita kong next week na pala ang pang-seventh aniversary namin...

Sana maalala ni Noel na aniversary na namin next week...





.............





Lumipas ang mga araw at ganun pa din si Noel... wala siyang paramdam at malaki na ang tiyan ni Mina. Ngayon na ang araw ng aniversary namin ni Noel at naisip kong dalawin na lang si Mina para kamustahin ang bata sa tiyan niya...

Bukas lang ang pinto sa bahay ni Mina kaya pumasok na ako...

May naririnig akong mga ungol...

Alam ko kung ano yun kaya tumaas ang balahibo ko... naglakad ako palapit sa tunog at parang kinakabahan ako...

Galing sa banyo ang mga tunog kaya pumunta ako doon... bukas ang pinto at nakita ko ang nagaganap...

Nakatuwad si Mina at nakahawak siya sa bathtub habang si Noel naman ay nasa likod na trina-trabaho ang kasarapan ng ginagawa nila...

Bigla akong nakaramdam ng malaking sibat sa dibdib ko...

Parang binaril ako sa likod...

Naramdaman ko ang sunod-sunod na patak ng luha sa mga mata ko at hindi na ako makagalaw sa pwesto ko...

Yumuko na lang ako at parang nauubos bigla ang lakas ko. Ayokong makita sila...

Nilakasan ko na lang ang loob ko bago ko subukang magsalita...

"Buntis na nga eh... pero tinitira pa din. Ganun ba kayo kalandi?" Sabi ko sa basag na boses.

Napahinto silang dalawa at tumitig sa akin si Noel... halatang gulat na gulat siya habang nakatitig sa akin...

Binunot ko ang engagement ring na nakasuot sa akin at ibinato ko yun kay Noel... ang sakit! Sobrang sakit!

Tumalikod na ako at tumakbo na lang ako palabas ng impyernong bahay ng mga hayop na yun...

Binilisan ko ang takbo pero bigla na lang may humatak sa akin...

Si Noel pala... hinarap niya ang mukha niya sa akin at nakita ko ang pagpatak ng mga luha niya...

"Jinx... sorry hayaan mo akong magpaliwanag." Sabi niya sa akin.

"Sige ipaliwanag mo! Kung bakit hindi ka na nagpaparamdam sa akin. Kung bakit iniwan mo ako sa ere. Ipaliwanag mo din yung kababuyan niyong dalawa!" Sigaw ko sa kanya habang umiiyak.

"Mahirap magdesisyon... ayokong lokohin ka pero mahal ko na si Mina." Umiiyak niyang sabi.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Noel... akala ko ako lang ang mahal niya... akala ko ako lang...

"Paano... bakit?" Umiiyak kong tanong.

"Ako ang naka-una sa kanya... na-guilty ako na ginawa niyang isakripisyo ang pagka-birhen niya para sa pera... minahal ko siya at nakikita ko ang magandang pamilya kasama siya..." Umiiyak na sabi ni Noel sa akin.

Parang mga kutsilyo ang mga salita na yun na bumabaon sa dibdib ko...

"Iiwan mo na ako ng tuluyan?" Humahagulgol kong tanong.

"Sorry Jinx..." Humahagulgol niyang sagot sa akin.

Para akong nilamon ng semento dahil sa narinig ko sa kanya... so lahat pala ng pangako niya wala na...

"Ikaw din ang naka-una sa akin eh... pero mukhang hindi mo nakikita ang magandang future sa akin. Mahal na mahal kita Noel... pinaramdam mo sa akin na hindi ako worth it makasama habang-buhay." Sabi ko na punong-puno ng hinanakit.

"Jinx hindi... sorry." Humahagulgol niyang sabi sa akin.

"Naging masaya naman ako sa loob ng ilang taon na kasama ka... pero hindi ko pala alam na ngayon mo ako iiwan sa mismong araw ng anniversary natin." Umiiyak kong sabi.

Napatitig sa akin si Noel at mukhang nakalimutan nga niya na anniv. Namin ngayon...

"Siguro hanggang dito na lang tayo Noel... happy anniversary ang ganda ng regalo mo..." Sabi ko sa kanya na punong-puno ng sakit.

Tumakbo na lang ako palayo at hindi ko maiwasang sumigaw dahil sa sobrang sakit...

Tumawid ako sa kalsada at hindi ko namalayan na may parating pala na kotse...






..............







Napa-mulat na lang ang mga mata ko at namalayan kong nakahiga na pala ako sa isang ospital. Nakita ko si mama at papa na nakatitig sa akin... hindi ko alam kung anong nangyayari...

"Ma... ano pong nangyari?" Tanong ko sa kanya.

"Nabangga ka ng kotse anak... kamusta na ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni mama.

Naalala ko bigla yung ginawa sa akin ni Noel... bigla na lang tumulo ang mga luha ko...

"Anak... sabi nung naka-bangga sayo... umiiyak ka daw habang tumatakbo." Nag-aalalang sabi ni papa sa akin.

Hindi ako maka-sagot dahil sa mga naalala kong ginawa ni Noel...

Hinawakan ni mama ang kamay ko at halatang alalang-alala na siya sa akin...

"Anak... nakalimutan ko palang i-text si Noel... kailangan niya itong malaman. Tinawagan ko siya kanina pero hindi siya sumasagot."

"Wag na ma... wala na kami." Umiiyak kong sabi kay mama.

Halatang-halata ang pagka-bigla sa mga mukha ni mama at papa...

"Anong nangyari? Mahal niyo ang isa't-isa at alam namin yun!" Naguguluhang sabi ni mama sa akin...

"Niloko niya ako..." Humahagulgol kong sabi kay mama.

"Anak... hindi ganun ang pagkaka-kilala namin kay Noel." Naguguluhang sabi ni papa sa akin.

Ganyan kase... pati pamilya ko malaki ang tiwala kay Noel... kaya tuloy nahihirapan silang paniwalaan kung ano ang totoo...

"Pinag-palit niya ako sa surrogate mother... iniwan niya na ako." Humahagulgol kong sabi kay mama at papa.

Niyakap ako ng mahigpit ni mama habang patuloy akong umiiyak...

"Gago yung Noel na yun ah! Pagkatapos namin siya ituring na anak... lolokohin ka lang! Nasaan yung hayop na yun? Papatayin ko siya!" Galit na galit na sabi ni papa sa akin.

"Wag na pa... hayaan mo na lang siya..." Umiiyak kong sabi.

Ganyan kasi si papa... kapag may nanakit sa akin ay sasaktan niya din...

Lumipas ang ilang araw sa ospital at pagaling na ako dahil hindi naman ganun kalala ang nangyari sa akin... naka-perwisyo pa ako ng driver... lagi akong umiiyak sa loob ng ospital lalo na kapag wala sila mama at papa...

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Onyx na may dala-dalang isang basket ng prutas... lumapit siya sa akin at umupo siya sa tabi ng kama ko...

"Jinx... anyare? Balita ko wala na daw kayo ni Bebs mo ah..." Nag-aalala niyang sabi sa akin.

"Wag mo na siyang banggitin... ayoko na siyang malala." Seyoso kong sabi sa kanya.

"Anong ginawa niya sayo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Onyx.

"Onyx niloko na niya ako... pinag-palit niya ako sa surrogate mother. Magiging buo na silang pamilya... may tatay... may nanay at may anak." Sabi ko at tumulo na lang bigla ang mga luha ko.

Yumuko si Onyx at parang bigla na lang siyang nalungkot... nagtataka ako kasi palagi naman siyang nakangiti sa harapan ko eh...

"Onyx... may problema ka ba?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Pareho pala tayo... pinag-palit dahil hindi magka-anak." Malungkot na sabi ni Onyx.

Naguguluhan ako sa kanya at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni Onyx. Ngayon ko lang siya nakitang ganito...

"Onyx bakit? bakla ka din? Iniwan ka din ng boyfriend mo?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

Jusmiyo! Ang gwapo ni Onyx at lalakeng-lalake siya pero dugong berde pala...

Tumawa lang si Onyx ng malakas at...

"Sira ka Jinx! Lalake ako noh! Tulad mo pa ako sa kabaklaan mo!" Natatawa niyang sabi sa akin.

Napataas na lang ang kilay ko sa kanya habang siya naman ay tawa lang ng tawa sa akin...

"Hiniwalayan ako ng girlfriend ko kasi inamin ko sa kanyang baog ako..." Tumatawa niyang sabi sa akin.

Baog pala siya... akala ko bakla din siya eh... pero nakikita ko ang lungkot sa mga mata ni Onyx habang tumatawa siya kunwari...

"Ang tanga naman nung girlfriend mo." Naiinis kong sabi sa kanya.

"Ang tanga din naman ng bebs mo eh." Tumatawa niyang sabi sa akin.

Di ko alam kung maiiyak pa ba ako... puro kalokohan kasi itong si Onyx eh... akala mo walang problema...

Lumapit si Onyx sa akin at tinitigan niya ako... nilapit pa niya ang mukha niya sa akin kaya medyo naiilang din ako sa kanya...

"Gusto mo Jinx... ako na lang ang bebs mo?" Seductive niyang tanong.

Tinulak ko yung mukha niya palayo sa akin at naiirita ako...

"Kaka-break lang... tapos lolokohin mo ako ng ganyan." Inis kong sabi sa kanya.

"Hahahahah akala ko hohopia ka eh..." Tumatawa niyang sabi sa akin.

"Ang lakas ng trip mo Onyx! Baliw ka yata eh!" Sigaw ko sa kanya.

"Baliw ako sayo bebs..." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Tangina mo tumigil ka na!" Sigaw ko sa kanya.

"Asa ka namang papatulan kita... di ako bakla eeww..." Sabi niya at parang diring-diri pa ang mukha niya.

"Umalis ka na nga! binu-bwisit mo pa ako eh!" Malakas kong sigaw.

"Sige pasok na ako sa trabaho... pero pa-kiss muna ako bebs." Malambing niyang sabi sa akin.

"Halik ng kamao gusto mo?" Bwisit kong tanong sa kanya.

"Ang maldita naman ng bebs ko... maka-alis na nga." Natatawa niyang sabi sa akin.

Naglakad na siya papunta sa pintuan at bago niya buksan yun ay lumingon muna siya sa akin at...

"Simula ngayon ako na ang bebs mo." Sabi niya at nag-flying kiss pa siya sa akin.

"Bwisit ka!" Sigaw ko at ibinato ko sa kanya ang unan pero sinara niya bigla ang pinto kaya hindi siya natamaan.

Nakaka-inis talaga si Onyx... minsan matino kausap tapos bigla-bigla na lang siyang magloloko ng ganun kaya naiirita talaga ako...

Bigla na lang may text na tumunog sa phone ko kaya kinuha ko iyon at nakita ko naman ang pangalan ni Onyx sa screen kaya binasa ko na lang...

..........

From: Onyx

Sorry kung binu-bwisit kita pero isipin mo... kanina medyo nakalimutan mo yung ex mo habang pinagti-tripan kita...

..........

Napa-isip ako sa text ni Onyx sa akin... tama siya... nakalimutan ko nga ang pagse-senti kanina nung ininis niya ako... tumunog ulit yung phone at may text ulit siya...

..........

From: Onyx

Wag kang iiyak bebs ah... magta-trabaho lang ako para sa future natin "muah"

..........

Grabe talaga itong si Onyx... ibang klase ang kapilyuhan ng lalakeng ito.. yung may sarili siyang problema tapos parang hindi lang siya apektado...

Nakalabas na ako ng ospital at patuloy pa rin ang pangungulit at pang-aasar sa akin ni Onyx... minsan talaga pina-plano ko na siyang ilibing ng buhay pero hindi ko lang alam kung paano ko gagawin yun... nakaka-bwisit talaga siya sobra...

Nandito ako ngayon sa park kung saan nile-let go ko ang lahat ng memories namin ni Noel pero nasira ang pag-eemote ko nang dumating bigla si Onyx...

"Bebs date naman tayo..." Malambing niyang sabi sa akin.

"Kelan ka ba titigil sa kaka-ganyan mo?" Inis kong tanong sa kanya.

Tinaas niya ang kilay niya at nag-pout pa siya ng lips niya...

"Anong kaka-ganyan ang sinasabi mo?" Tanong din sa akin ni Onyx.

"Yung panloloko mo sa akin tanga..." Inis kong sabi sa kanya.

"Hindi yung pang-loloko... pagmamahal ang tawag dun bebs..." Natatawa niyang sabi sa akin.

"Bwisit ka... seryoso ang tanong ko." Galit kong sabi sa kanya.

"Bwisit ako? Oo na... wag mo na ipa-mukha sa akin." Malungkot niyang sabi sa akin na parang bata.

"Sumagot ka nga ng maayos... hanggang kelan ka ba ganito?" Galit kong tanong sa kanya. Kumukulo na talaga ang dugo ko.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin  at nagsalita siya...

"Hanggang sa mahalin mo ako..." Seryoso niyang sabi sa akin.

Napatitig na lang ako sa mga mata ni Onyx... seryoso siya eh...

Bigla siyang tumawa ng malakas at lalo lang akong nabu-bwisit sa kanya dahil sa mga kalokohan niya...

"Ayyyiieee... crush mo na ako no?" Panunukso niya.

Ay tangina! siya pa talaga ang may ganang magsabi niyan sa akin... wala yatang kahihiyan ang puta. Ang presko niya nakaka-bwisit...

"Gago ka! Imposible yun. Konti na lang... masasapak na kita." Bwisit kong sagot sa kanya.

"Sige bebs... sapakan tayo sa kama. Masarap ba makipag-sex sa lalake?" Pa-inosente niyang tanong sa akin.

Napupuno na talaga ako! Sinikmuraan ko na lang siya bigla kaya namimilipit na siya sa sakit...

"Bebs ang sakit naman... tough lover ka pala." Sabi niya habang hinihimas ang tiyan niya sa sakit.

"Isa pang banat mo... sisikmuraan ulit kita." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Ok lang bebs... basta makipag-laro ka sa akin sa bed... gawin mo akong submissive ha?" Natatawa niyang sabi sa akin.

"Ang bastos mong hayop ka!" Galit kong sigaw.

Sinikmuraan ko ulit siya at napangiwi na ang mukha niya sa sakit...

"Sadista ka pala bebs... siguro kapag gumawa tayo ng baby hardcore tayo." Sabi niya kahit namimilipit na siya sa sakit.

Sisikmuraan ko sana siya ulit pero bigla niyang hinuli ang kamay ko... at nilapit niya ang mukha niya sa akin. Bigla na lang siyang naging seryoso...

"Isa pang suntok mo sa sikmura ko... gagahasain talaga kita." Seryoso niyang sabi sa akin.

Napatitig na lang ako sa kanya at seryosong-seryoso talaga ang mukha ni Onyx kaya natakot din ako na baka gawin niya talaga yung sinasabi niya...

"Bitawan mo nga ako!" Inis kong sabi sa kanya.

Binitawan naman ako kaagad ni Onyx at umiwas siya ng tingin sa akin...

Yumuko siya at lumayo na siya ng upo sa akin sa bench... mukhang nagtatampo ang mokong...

"Wala ba akong halaga sayo?" Tanong niya bigla kaya nagulat ako.

"Wag ka ngang senti diyan!" Inis kong sabi sa kanya.

"Seryoso ako Jinx! Wala ba akong puwang sayo?" Tanong niya ulit.

"Ewan ko sayo Onyx! Ang lakas mo mang-trip sa akin! Hindi kita kailangan!" Sigaw ko sa kanya.

Napatitig sa akin si Onyx at parang nasaktan siya sa sinabi ko... paano ba naman eh punong-puno na ako sa kanya...

"Balang araw mami-miss mo din ako." Seryoso niyang sabi at naglakad na siya palayo.

Sobrang bad trip ako nung araw na yun at nagkulong na lang ako sa kwarto... wala ding text at tawag si Noel maski si Onyx...

Lumipas ang mga araw at buwan hindi na nagpaparamdam sa akin si Onyx... wala ng kumukulit sa akin... hindi ko alam kung saan siya nagtatrabaho...

Hanggang ngayon nangungulila pa din ako sa mga yakap at halik sa akin ni Noel at hindi ko talaga maiwasang maiyak kapag naalala ko siya... siguro lumabas na ang baby nila Mina tapos magpapakasal sila tapos happily ever after sila...

Ang sakit... pinanghawakan ko lahat ng pangako at lahat ng salitang sinabi ni Noel sa akin noon pero nababago pala ang lahat...

Ngayon naiintindihan ko na... minsan ang akala mong paraiso ay pwede pa ring bawiin sayo. Ang mga pangako ay hindi dapat panghawakan dahil kung balak mong gawin ang isang bagay ay hindi ka na dapat mangako pa kasi wala ka namang assurance at maraming nagbabago sa pagtakbo ng panahon...

Matagal na din pala... pero masakit pa din at may konting kirot. Umiiyak pa din ako dahil hindi naman madaling kalimutan ang halos pitong taon na nagmahal ako ng totoo...

Yung mga pangarap na binuo namin ni Noel... wala na lahat. Ano pa ang magiging pangarap ko ngayon?

Shit!!! Ngayon lang naging madrama ang buhay ko...

Kaya ko to! May pamilya ako... may umaasa sa akin kaya hindi ako pwedeng ganito habang buhay...

Antagal na walang paramdam sa akin ni Onyx... siguro nga dinamdam niya ang mga sinabi ko. Kasalanan niya naman yun eh at pinuno niya ako...

Naisip kong kumain muna ng ice cream sa kusina para naman manlamig na ang puso kong dumudugo...

"Anak... bakit hindi na pumupunta dito yung kaibigan mo na si Onyx?" Biglang tanong sa akin ni mama.

"Nagka-sagutan po kami... kasalanan niya yun eh. Lagi niya akong iniinis." Sabi ko kay mama.

"Anak... hindi mo ba nakikita?" Biglang tanong ni mama.

"Ang alin po? May mata naman ako." Sabi ko sa kanya.

"Pilosopo ka anak." Natatawang sabi ni mama sa akin.

"Hala hindi po! Ano po ba kasi ang hindi ko nakikita?" Tanong ko sa kanya.

Huminga ng malalim si mama... alam ko na kilala niya na si Onyx kasi kinikilatis niya lahat ng kaibigan ko...

"Iniinis ka ni Onyx kasi gusto niya na sa kanya mo ibunton lahat ng galit mo kay Noel... diba hindi mo naalala si Noel kapag inaaway mo si Onyx." Seryosong sabi ni mama.

Napa-nganga na lang ako bigla... oo nga pala... bakit hindi ko man lang naisip yun?

"Anak... gusto ka lang tulungan ni Onyx na maka-move on."

Tama... pero ang bulag ko para hindi yun ma-appreciate tapos napag-salitaan ko pa siya ng hindi maganda...

Kailangan ko siyang maka-usap! Tangina ang tagal na naming di nagkikita... hindi ko nga alam kung saan siya nakatira o kung ano ang trabaho niya...

Kinuha ko kaagad ang phone ko at tinawagan ko si Onyx... mabilis namang sumagot si Onyx...

"Ano Jinx? Miss mo na ba ako?" Tanong ni Onyx sa kabilang linya.

"Baliw hindi! Magkita tayo sa dq ngayon na..." Mabilis kong sabi.

"Bakit bebs? Wait lang bihis ako." Sabi niya sa kabilang linya.

"Bilisan mo!" Demanding kong sabi.

"Bakit ka nga pala napatawag bebs?"

Pinatay ko na ang phone hahaha mamaya na lang kami mag-usap kasi ayokong mag-sorry sa phone lang...

Nagbihis na ako... nag-suot ako ng turtleneck na black at naka-shorts ako ng color white...

Pumunta na ako kaagad sa dq at mga 3 minutes din akong naghintay dun...

Nakita ko na  si Onyx... naka-muscled shirt lang siya tapos naka-shorts. My gas!!! Ang yummy ng muscles niya... ang libog ko! Erase erase!!!

Umupo na si Onyx sa harapan ko...

"Bebs... na-miss mo ba ako?" Sabi ni Onyx habang nagpapa-cute.

"Hhhmmm... hindi ako pumunta dito para landiin mo." Seryoso kong sabi sa kanya.

"So what's the matter?" Seryoso niyang tanong.

"Gusto kong mag-sorry sayo... sorry at matagal bago ko na-appreciate ang efforts mo... sorry sa ugali ko." Seryoso kong sabi kay Onyx.

"Aaww... ang sweet naman ng bebs ko." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Naka-move on na ako... hindi mo na ako kailangang asarin simula ngayon." Sabi ko sa kanya.

"Hindi naman kita inaasar eh... mahal talaga kita." Seryoso niyang sabi aa akin.

Napa-nganga ako bigla... gusto niya ako? Pero paano? Seryoso siya eh. Baka naman joke lang...

"Simula nung nakita kita kung gaano mo kamahal yung Noel... nainggit ako sa kanya. Nangarap ako na mag-karoon din ng kagaya mo magmahal." Seryoso niyang sabi sa akin.

"Pero... straight ka." Sabi ko sa kanya.

"Oo! At kasalanan mo yun!" Inis niyang sabi sa akin.

"Nung una... gusto kitang pagtripan pero nahuhulog ako sayo... alam ko na sa likod ng ka-malditahan mo ay ang wagas mong pagmamahal at gusto kong maramdaman yun..." Seryoso niyang sabi sa akin.

Napa-iwas na lang ako ng tingin sa kanya at naiilang ako...

"Bakit di ka nagpaparamdam?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto ko nga na ma-miss mo ako. Lagi akong naka-abang sa tawag mo." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Pwede na ba kitang ligawan?" Tanong sa akin ni Onyx.

Napatitig ako sa kanya at kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya...

"Ayaw... lolokohin mo lang ako." Seryoso kong sabi.

"Luh! Nag-judge kaagad! Sige... kung ayaw mo gagahasain kita." Nakangiti niyang sabi.

"Umayos ka kasi!" Inis kong sabi.

"So kapag umayos ako... pwede na akong manligaw?" Tanong niya.

Tumango na lang ako at ngumiti ako sa kanya... feeling ko may nararamdaman din ako sa kanya kahit papaano...

Araw-araw akong niligawan ni Onyx. Siya yung maginoo na sobrang bastos. Laging nagpapatawa... hanggang sa sinagot ko na siya...

Nakakalimutan ko lahat ng sakit ng kahapon kapag nandiyan si Onyx at ibinalik niya ang mga ngiti ko... tinotoo niya na din ang pagtawag niya sa akin ng bebs...

Minsan naiisip ko na masyadong gwapo si Onyx para sa akin eh...

Kaso... nagbago na ako eh... oo sinagot ko na si Onyx pero hindi ako sweet sa kanya. Hindi ko siya niyayakap o kahit sex wala. Suplado ako sa kanya pero nagdi-date kami... ayoko lang kasi na mahalin siya ng kagaya sa pagmamahal na binigay ko kay Noel tapos iiwan din ako...

Ayoko na idepende ang kaligayahan ko sa kanya... sapat na yung napapasaya niya ako sa mga kalokohan niya...

Bigla na lang may narinig akong nag-aaway sa labas ng bahay...

Lumabas ako ng kwarto at pumunta ako sa gate ng bahay... nakita ko si papa at Noel na nagtatalo...

"Please po! Gusto ko pong makita si Jinx..." Umiiyak na sabi ni Noel.

Mukhang lasing siya. Iyak din ng iyak si Noel at hindi ko siya maintindihan...

"Lumayas ka dito! Pagkatapos mong lokohin si Jinx!" Nakakatakot na sigaw ni papa.

"Pa... hayaan niyo kaming mag-usap." Sabi ko at napatingin sila sa direksyon ko.

Umalis si papa at lumapit ako kay Noel dahil naguguluhan ako...

Nagulat ako ng bigla na lang akong yakapin ni Noel at humahagulgol siya sa balikat ko...

"Jinx... kailangan kita... miss na miss na kita." Humahagulgol niyang sabi.

Naramdaman ko ulit ang mga salita niya... parang bumibigat na naman ang nararamdaman ko...

"Noel tama na... maayos na ako." Seryoso kong sabi.

"Mahal kita Jinx... iniwan ako ni Mina." Humahagulgol niyang sabi sa akin.

"Itinakas niya yung anak mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi... namatay siya sa panganganak pero ligtas ang bata... kailangan kita para palakihin ang bata at ituloy ang mga pangarap natin." Umiiyak niyang sabi.

"Noel... anong akala mo? Pagkatapos mo akong saktan babalikan mo ako? May mahal na akong iba." Seryoso kong sabi sa kanya.

Napatitig siya sa akin at kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya... hindi ko maiwasang kaawaan siya...

"Hindi mo na ako mahal?" Umiiyak niyang tanong.

Parang lalo akong naawa sa tanong niya at ngayon ko lang siya nakitang ganito... ngayon lang siya lumapit sa akin at nakipag-ayos...

"Ako kasi... kahit hiniwalayan kita eh hindi nawala ang pagmamahal ko sayo. Na-guilty lang ako kay Mina kaya pinili ko siya." Humahagulgol niyang sabi sa akin.

Parang may mga karayom na tumutusok sa dibdib ko... ang sakit...

"Hihintayin kita bukas ng gabi sa huling lamay ni Mina... kailangan ng bata ang magkaroon ng mama at sana ikaw yun Jinx." Umiiyak niyang sabi sa akin.

Naiwan akong nakatulala... tumusok sa akin ang mga sinabi ni Noel...

Hindi! Kahit hindi ko kayang iparamdam kay Onyx ang pagmamahal ko ay hindi ko kayang manloko ng tao... hindi ko ipagpapalit si Onyx...

Pero paano si Noel? Hindi Jinx! Niloko ka niya... pero mahal ko pa rin siya...

"Jinx... mahal din kita eh."

Tumalikod ako at nakita ko naman si Onyx na umiiyak...

Tumakbo ako para yakapin siya... yun yung first time na niyakap ko si Onyx kaya nabigla siya...

"Onyx... samahan mo ako... pupunta tayo sa lamay ng surrogate mother." Sabi ko sa kanya.

Wala kaming kibuan ni Onyx nang pumunta kami sa lamay ng babae ni Noel... sinalubong ako ng pamilya ni Noel at panay din ang hingi nila ng tawad sa akin... hindi nagsasalita si Onyx at parang malalim ang iniisip niya...

Si Noel naman ay pina-kita sa akin ang cute na cute na batang anak nila ni Mina... kailangan ko bang magtiwala ulit kay Noel? Natapos ang pagbisita namin at tahimik lang si Onyx habang naglalakad kami pauwi sa bahay dahil hinatid niya ako...

"Onyx... kanina pa kita napapansin... bakit di mo ako kinukulit?" Tanong ko sa kanya.

Hindi kasi ako sanay na seryoso si Onyx... mas gusto ko yung katarantaduhan niya kasi boring kapag ganyan lang siya...

"Jinx... narinig kita nung kausap mo si Noel... pinapa-pili ka niya sa aming dalawa." Seryoso niyang sabi sa akin.

Huminto na kami sa tapat ng bahay at hindi ko akalaing narinig pala ni Onyx ang pinag-usapan naming dalawa ni Noel... parang umusad ang dila ko at hindi ako makapag-salita...

"Bibigyan kita ng panahon para mamili... alam ko naman kasi eh... kahit hindi mo sabihin, kitang-kita ko sa mga mata mo na mahal mo pa din si Noel at pwede niyong ituloy ang mga nasira niyong pangarap... makipag-kita ka na lang sa akin kapag nakapili ka na..." Seryoso niyang sabi sa akin.

"Si Mina... siya yung ex ko."

Para akong binuhusan ng kumukulong tubig sa sinabi niya...

So kaya pala nasa park silang dalawa ni Mina at tahimik siya sa lamay...

Umalis na siya at naiwan na lang akong nakatulala... ganun niya ako kamahal? hahayaan niyang pumili ako kahit masakit sa kanya?

Sa ngayon naguguluhan talaga ako kung sino ba ang pipiliin ko sa kanilang dalawa... siguro nga kailangan ko ng panahon para mag-isip.. hindi ko pa ganun kamahal si Onyx pero iba kasi siya. Ni minsan hindi ko man lang napadama kay Onyx na mahal ko siya kasi lagi akong suplado sa kanya...

Nag-isip isip ako ng mabuti... kanino ba ako magiging mas masaya?

Lumipas ang ilang linggo at naisip kong si Onyx ang pipiliin ko... kahit bwisit ako sa kanya ay nami-miss ko siya at nagagawa kong kalimutan si Noel kapag kasama ko siya... alam ko na mami-miss ko si Onyx kung sakaling piliin ko si Noel. Hindi kami ganun katagal ni Onyx na nagsama pero aanhin ko ang tagal ng pinag-samahan namin ni Noel kung wala na akong tiwala sa kanya kahit mahal ko siya...

Si Onyx... ang nararamdaman ko ang prayoridad niya hindi kagaya ni Noel na nagdedesisyon mag-isa at isinasantabi kung ano ang nararamdaman ko...

Malungkot ako kapag wala si Noel... pero mas malungkot ang buhay ko kapag wala yung taong nambi-bwisit sa akin...

Naisip kong kausapin muna si Noel para ipaalam sa kanya ang desisyon na pinag-isipan kong mabuti kaya nakipag-kita ako sa kanya sa park kung saan kami nagkikita dati...

"Jinx... ako na ba ang pinili mo? Hinihintay ka na ng baby natin." Nakangiting sabi ni Noel.

Ngumiti na naman siya... mas lalong magiging mahirap ito para sa akin na malamang umaasa siya na babalik ako upang buuhin ang sinira niyang pangarap namin...

"Noel... hindi ko kayang manloko ng tao at magsinungaling." Seryoso kong sabi sa kanya.

Tumitig siya sa akin at nakikita ko ang takot sa mga mata niya...

"Noel... salamat sa lahat. Alagaan mo yung baby niyo ni Mina." Sabi ko sa kanya.

"Jinx... may anak na tayo. Alam ko na baog si Onyx at sinabi yun ni Mina." Sabi ni Noel.

"Hindi yun eh... wala akong pake kung wala kaming anak. Siya lang ay sapat na sa akin at hindi ko kailangang maghangad ng hindi niya kayang ibigay." Seryoso kong sabi sa kanya.

Nakita ko ang pagpatak ng mga luha ni Noel... ang sakit tingnan. Ayokong makasakit ng tao pero ano ba naman yung nararamdaman niya kumpara sa binigay niyang sakit sa akin...

Tumalikod si Noel at humihikbi siya habang naglalakad palayo...

Naisip ko na tama lang yun... ayos lang na maramdaman niya yun dahil kasalanan naman niya at hindi ko kaya kung si Onyx ang makita kong nasasaktan dahil sa akin...

Pumunta na ako sa tinitirhan ni Onyx dahil dinala niya ako doon nung naging kami...

May duplicate ako ng susi at pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang mga bote ng alak na walang laman at nakakalat lang sa sahig...

Pumunta ako sa kwarto at nakita ko si Onyx na nakahiga at lasing na lasing...

Tinititigan ko siya habang natutulog at nabigla ako ng may tumulong luha sa mga mata niya kahit nakapikit siya...

"Jinx..." Bulong niya.

Nag-sleep talk pala siya... kahit pala sa panaginip mahal na mahal niya ako. Hindi ko kailangang baguhin ang bwisit niyang ugali dahil yun siya eh. Ang mahalaga mahal niya ako...

Humiga ako sa tabi niya at niyakap ko ang likod niya...

"Onyx.. nandito ako." Sabi ko sa kanya.

Mukhang naalimpungatan si Onyx at humarap siya sa akin...

"Jinx... akala ko iiwan mo na ako." Naiiyak niyang sabi sa akin.

"Ikaw ang pinili ko..." Sabi ko sa kanya.

"Pero hindi mo naman ako mahal eh at magiging mas masaya ka kay Noel at sa anak niyo." Malungkot niyang sabi sa akin.

"Onyx hindi... mahal kita eh... sorry at hindi ko pinaparamdam sayo kasi ayokong mahulog sayo at lokohin lang din. Wala akong pakealam kung wala tayong anak. Mas masaya ako sayo."

"Jinx hindi kita lolokohin... mahal na mahal kita." Nakangiti niyang sabi at pumatak ang mga luha niya.

"Kung ganun dapat ko ng ibuhos sayo lahat ng pamamahal na hindi ko pinaramdam noon." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ta..talaga? Salamat..." Nauutal niyang sabi sa akin.

Lumapit ako at hinalikan ko siya ng mariin sa labi... lasang alak pero puno ng pagmamahal...

Nang matapos yun ay tumitig sa akin si Onyx at namumula siya...

"First time mo akong hinalikan..." Nakangiti niyang sabi.

"Oo at hindi yun ang last... mahal na mahal kita bebs." Nakangiti kong sabi sa kanya at parang anytime bubuhos ang mga luha ko.

"I love you more bakla..." Nakangiting sabi ni Onyx.

Sinikmuraan ko siya bigla pero pagkatapos nun ay hinalikan ko siya ulit ng mariin sa labi...

Sa buhay nalaman ko na... hindi basehan ng pagmamahal ang lambing sa isa't-isa pero hangga't buhay kayo ay wag mong kalimutan na iparamdam yun...

Hindi basehan ang pagkakaroon ng anak para iwanan mo ang taong mahal mo dahil kapag nagmahal ka ay mamahalin mo rin ang kamalian niya pati ang kapintasan sa kanya...

Maswerte ako kay Onyx at minahal niya ako ng totoo... ano naman kung wala pa kaming plano na magpakasal at hindi kami magka-anak eh mahal naman namin ang isa't-isa...

Si Onyx... pinagaling niya ang puso ko sa pamamagitan ng pambi-bwisit niya at yun ang kakaibang paraan ng pagmamahal... ginawa niya akong galitin para makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko...

Ano ngayon kung magpakalunod ako ngayon kay Onyx? Ang mahalaga ay alam kong tutuparin niya ang lahat kahit hindi siya nangangako...


Balang araw dadating din yung Onyx sa buhay niyo... yung taong mamahalin ang kapintasan niyo pati ang timpla ng ugali niyo at papahalagahan kayo sa di inaasahang pamamaraan...

Wakas..........